‘Hindi ako sumuko sa pila!’

Grabe, nahilo ako kahapon sa haba ng pila sa voting place ko.
Muntik pa nga akong himatayin.
Talagang hirap at pagod ang titiisin mo para lang makaboto.
Naku ha, dapat hindi ganito para hindi madala ang tao, lalo na iyon mga senior na tulad ko na gumising ng maaga upang makaboto.
Grabe dusa para sa mga matanda, sobrang pagod talaga.
Hindi ko ma imagine na tuwing botohan ganito magiging karanasan mo.
Sobra talaga na nahihilo ako at parang nanghihina, buti na lang kasama ko Mel. Pero hindi ako sumuko kahit gusto ko nang umuwi.
Kundi lang sa mga mahal ko na tumakbo sa eleksiyon ayoko na talaga, huh huh huh.
Pero isa itong responsibilidad na dapat mong gawin para sa bayan natin.
Hay kailan kaya magiging high tech ang botohan sa atin na hindi kailangang pumila ng kung ilang oras upang makaboto.
Sa totoo lang, ang sarap ng pakiramdam nung bumubuto ka dahil naipapakita mo ang karapatan mong mamili ng mga kandidatong gusto mong ihalal. Pero kung ganun na lang parati, hindi bongga.
Kaya naman kahit gabi na kahapon, andami pa raw nakapila upang humabol sa pagboto.
Hay. Kaloka.
- Latest