^

Pang Movies

Kim, hindi sinayang ang boto

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, hindi sinayang ang boto
Kim Chiu

Nakiisa rin ang ating mga celebrities sa pagboto sa midterm elections kahapon, May 12. Ipinost nila sa kani-kanilang social media accounts ang resibo ng kanilang boto.

Ang ibang artista ay maagang nagpunta sa kani-kanilang presinto para bumoto. Isa sa maagang bumoto ay si Kim Chiu na nag-post ng larawan niya at ipinakita ang indelible ink sa kanyang daliri.

“In just one day, we are given the privilege to choose the future leaders of our nation. This is our power as Filipino citizens who dream of a better, more progressive country—where the taxes we pay turn into services we truly feel. From local to national positions, let’s vote wisely.  Let’s pray for leaders with integrity and compassion, not just for ourselves, but for the good of the entire nation. Huwag natin sayangin ang pagkakataong ito—bumoto tayo para sa kinabukasan ng mamayang Pilipino,” ang caption ni Kimmy.

Si Darren Espanto naman ay bumiyahe pa ng mahigit anim na oras sa Nueva Ecija para bumoto.

“Drove 6 and a half hours to vote today! #Halalan2025,” caption ng Kapamilya singer.

Nalungkot si Khalil Ramos sa naging resulta ng kanyang boto dahil na-invalidate daw ito because of ‘overvoting.’

Kaya sa kanyang Instagram Stories ay nagpaaala si Khalil sa mga botante na huwag masyadong madiin ang pag-shade sa balota para hindi magmarka sa likod kung saan naroroon ang listahan ng Party-list.

“Be extra careful when shading your ballots. I pressed a bit too hard on the first page, and it left marks on the back, right where the partylist section was. Sadly, my partylist vote was invalidated due to “overvoting.” Don’t make the same mistake. #Halalan2025,” saad ni Kalil.

Nakita rin namin ang post ni Matteo Guidicelli at sey naman niya sa caption, “Done with today’s objective. Felt good dropping off my ballot. Praying for the future of our country and the leaders that will take charge.”

Flinex din ni Heaven Peralejo ang kanyang pagboto at aniya, “We showed up. Now it’s your turn. Vote with your heart, vote for what matters. Vote wisely.”

As early as 7 AM naman ay bumoboto na si Heart Evangelista at ang mister na si Senate President Chiz Escudero sa Sorsogon. Mabilis na nag-viral sa social media ang videos and photos ng pagboto ng mag-asawa and as usual, hinangaan ng netizens ang OOTD ng aktres pati na ang mga suot niyang milyones na alahas.

Frozen embryo ni Dennis, nasa Texas pa rin

Wala raw munang balak ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na sundan ang kanilang first-born na si Dylan na ngayon ay tatlong taong gulang na. “Sa ngayon, focus muna kami sa aming bunso at gusto namin, talagang tutok kami and pagkatapos no’n, bahala na, pag-usapan naming mag-asawa kung ano ‘yung next na plan,” sey ni Dennis nang makatsikahan ng entertainment press kamakailan sa kanyang contract signing bilang Ambassador ng Belle Dolls ng Beautederm.

As we all know ay mayroon na ring kanya-kanyang anak sina Dennis and Jen from their previous relationship bago pa man sila ikasal.

Dennis has a son with Carlene Aguilar na si Calix habang si Jen naman ay may anak kay Patrick Garcia na si Jazz.

Matatandaang noong 2021 ay nagpa-freeze ng kanyang eggs si Jen dahil gusto na nilang magkaroon ng anak ni Dennis. Pero hindi inaasahang nabuntis ang aktres sa natural na paraan at si Dylan nga ang bunga nito.

Ayon kay Dennis ay nasa Texas daw ang frozen embryo at anytime na gusto nilang magkaroon ng isa pang baby ay pwede raw nila itong gamitin.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with