^

Pang Movies

Dennis, gusto talagang mag-aksyon si Jennylyn

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dennis, gusto talagang mag-aksyon si Jennylyn
Jennylyn Mercado

Matapos ang successful onscreen projects niyang Green Bones at Pulang Araw, natupad din ang isa niyang wish na magkaroon sila ng action series ng asawa niyang si Jennylyn Mercado.

Bibida ang Kapuso couple sa GMA Prime series na Sanggang Dikit FR na mapapanood na sa Hunyo.

Ayon kay Dennis, nakabantay at nakaalalay siya kay Jen sa mga ginagawa nitong action scenes para sa bagong serye.

“Matagal na siyang ‘di gumawa ng mga gano’n so kailangan bantayan talaga ‘yung tamang form kasi do’n makikita na kapani-paniwala na tama ‘yung porma mo sa lahat ng action scenes na ginagawa mo.”

Pulis ang role nina Dennis at Jennylyn sa Sanggang Dikit FR kaya puspusan ang kanilang training para sa action series.

Sa katunayan, nag-aral pa ang aktres ng gun shooting at jiu-jitsu para sa kanyang karakter.

Kuya may pababalikin

Isang “wild” announcement na ibinalita sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Magkakaroon ng isang big comeback ang ilan sa mga former housemates sa Bahay ni Kuya bilang mga wild card.

Maaaring mamili ang audience sa pagitan nina Ashley Ortega, Charlie Fleming, Josh Ford, AC Bonifacio, Kira Balinger, at Ralph De Leon kung sino ang gusto nilang makita muli sa loob.

Sa anunsyo sa naturang episode, nilinaw na solo lang ang pagboto sa former housemates at hindi bilang mga duo. Isang Kapuso at isang Kapamilya housemate ang maaring pumasok muli sa loob ng Bahay ni Kuya.

Maaari nang bumuto at sa Sabado, May 17, ay iaanunsyo na ang former housemates na magkakaroon muli ng tsansang mapabilang sa Big 4.

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with