Dennis, alagang-alaga ang balat
Very proud ang Beautederm founder and CEO Rhea Anicoche-Tan nang ipakikilala ang newest “baby” niya, ang actor na si Dennis Trillo.
Pormal ngang inilunsad ang multi-awarded actor bilang endorser ng Zero Filter Sunscreen ng Belle Dolls, sister brand ng Beautederm, sa isang bonggang contract signing na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire North.
Naalala ni Miss Rei na una niyang nakilala si Dennis nung isama ito ng wife nitong si Jennylyn Mercado na Beautederm ambassador din sa kanyang intimate birthday party last November, last year.
Hanggang nagkita raw ulit sila nung nagpa-block screening siya sa Pampanga ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Green Bones, kung saan magkasama sina Dennis at another Beautederm ambassador Ruru Madrid na dumalo.
Na kahit aniya napakaliit na sinehan sa Pampanga, pinuntahan ni Dennis.
At ‘yun daw ang mas nagpalakas upang mag-decide siya na gawing endorser ang actor.
Pero pinag-usapan nila ng manager nitong si Becky Aguila (manager ni Dennis at ng misis niya), na this year na lang nila gawin ang official launching, na naganap na nga. At para kay Ms. Rei perfect endorser ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito. “Makikita mo sa kanila ang sincerity,” paniniguro ng negosyante.
Naniniwala rin siya na dahil nabibilad sa araw ang actor sa tuwing magmo-motor kasabay ng pagdidiin na hindi lang naman ang balat ng mga kababaihan ang dapat pangalagaan kundi maging ang kalalakihan tulad kay Dennis.
“Kailangan din nating pagamitin talaga ‘yung mga lalaki. Literal na nag-survey ako, ‘yung mga lalaki, kung ano ‘yung sabon sa mukha, ‘yun na rin ang sabon sa katawan hanggang sa ibaba,” banggit ni Miss Rei.
“Gusto kong i-push ang mga lalaki na gumamit, gaya ni Dennis, ang daming series, ang daming pelikula. Nakakalimutan natin na ang the best anti-aging secret ay sunscreen,” sabi pa niya.
Naniniwala rin si Dennis na dapat laging young looking ‘pag nasa showbiz. At higit sa lahat aniya, kailangang may tiwala siya sa produkto na kanyang ini-endorse at ang epekto nito sa kanyang skin.
Kita naman na nag-‘blooming’ siya.
- Latest