Barbie at Jameson, may instant something?!

Naging usap-usapan daw ang photo at video ni Barbie Forteza at Kapamilya actor na si Jameson Blake na magkasama sa Lights, Camera, Run! fun run na para sa Mowelfund kahapon.
Tanong ng marami ay may something na raw ba ang dalawa?
O nanliligaw na raw ba ang actor?
Napansin din ang post ni Barbie na kasama si Jameson na may caption na “Soooo proud of you @jmsnblake first run 16k agad! Job well done! (medal emoji & handshake emoji) Super appreciate you for running with me (kiss & raising hands emoji)”
Mas sweet daw ang caption ni Barbie sa post nito kasama si Jameson kumpara sa mga dati niya nang mga kaibigan na sina Alden Richards at Kristoffer Martin.
In all fairness, walang nag-nega kung sakaling may something na raw kina Barbie at Jameson.
Bagay raw ang dalawa na parehong mestizo at mestiza.
Payag nga raw ang fans nito kahit sila ang magkatuluyan at hindi sila ng ka-loveteam na si David Licauco.
Well, single naman si Barbie kaya tama lang mag-enjoy siya.
Bongga.
- Latest