Kris, sumagot sa pagkamatay at pagkulam sa kanya

Nakiusap si Kris Aquino na itigil na ang fake news tungkol sa kanya tulad ng isyung dead na siya at nakulam.
Sunud-sunod nga ang posts ni Kris nitong nakaraang Sabado at nagbigay ng update sa kanyang kalusugan.
Sa kanyang unang post ay mapapanood ang video ng bunso niyang anak na si Bimby kasama ang singer na si K Brosas, ang online show host na si Mama Loi at Tarlac Governor Susan Yap.
Sa caption ay sinabi ni Tetay na naka-confine siya sa hospital for her 2D Echo test. Kahapon naman ay sumailalim siya sa PET (Position Emission Tomography) test.
“You are going to get a lot of Bimb. I am currently confined, now getting a 2D Echo. Tomorrow it’s my PET SCAN,” aniya.
Sinabi rin niya na kasalukuyan silang naghahanap ng matitirhan na may fresh air at malamig na klima. Humingi rin siya ng suggestions sa netizens.
“I will give you a complete health update and we are choosing where we will be living kailangan ko ng fresh air and a cooler climate. The sea breeze will be wonderful may suggestions kayo?” aniya.
Sa isa namang post ay binahagi niya na disenfranchised voter siya meaning, hindi siya pwedeng bumoto ngayong May 12 dahil na rin sa ilang beses na hindi niya pagboto noong time na nasa US siya.
“Currently I am a disenfranchised voter. Hindi ako nakaboto nung 2022 and I was in the (USA flag emoji) getting medical treatment for the Barangay elections. After you watch all my videos care of Bimb plus some (videos) for next week, please help me decide? Where will i be able to breathe fresh air?” aniya.
Makikita naman sa isang video na ipinost ni Kris na binisita ni Bimby ang Tarlac na hometown ng kanyang inang si yumaong former president Cory Aquino, kasama sina Mama Loi, K Brosas, Bambbi Fuentes and Tarlac Governor Susan Yap.
Sa caption ay ipinaliwanag niya kung bakit hindi siya nakasama sa Tarlac at ang dusang dinaranas niya sa kanyang karamdaman.
“The reason sinalo ni Bimb, @kbrosas @loivillarama, my BP was very elevated 165/112, grabe yung lupus flare, my fever was 40.2 and my face was purplish red- ang pakiramdam parang nassusunog na. my Lungs ang pinaka nahihirapan because of my multiple and very rare autoimmune diseases. Later i will try to explain what pulmonary hypertension is,” aniya.
She also revealed na mayroon na namang bagong na-diagnose na autoimmune disease sa kanya na hindi pa niya sinabi kung ano.
“In case you are counting i now have 9 diagnosed autoimmune diseases plus a 10th that came as a result of…” pahayag ni Kris.
Sa isa pang hiwalay na post ay sinabi niyang mayroon siyang update na ilalabas after her PET scan. Aniya ay napapagod na raw siya sa lahat ng fake news about her at nakiusap sa netizens na itigil na ito.
“Matagal ko nang gustong tumira sa tabing dagat kasi yung simoy ng hangin sobrang nakakatulong, bukas na lang after my pet scan i will tell you the TRUTH because i am so tired of seeing i am dead, na itong healer ang may solusyon, na may kumulam sa kin- please STOP,” saad ni Kris.
“My faith in God’s mercy, in the salvation from Jesus Christ becoming man, and in Mama Mary’s mantle of protection - it remains strong. Let’s all continue to pray for everyone experiencing pain daily. Sana gumanda pa ang sahod ng mga govt health workers sa (PH flag emoji) para hindi na hangad ng marami ang mag trabaho abroad,” aniya pa.
Sa isa pang video na ipinost niya ay mapapanood naman ang kanyang interview sa isang pulitiko. Yes, she’s back in what she’s good at ito ay interviewing people and hosting a show.
Sa caption ni Kris ay ipinahayag niya na “it felt good” doing the interview after a long time.
“It felt so good, I haven’t interviewed anyone in about 4 years. This is the only interview i did- because malapit na,” aniya,
“Please watch my first interview in years- i felt that i was home,” sey niya.
Naka-face mask siya habang nag-i-interview pero kitang-kita na wala pa rin siyang kupas as a TV host. She’s still very good, bubbly and yes, madaldal pa rin.
Makikita rin na medyo malakas na rin siya ngayon kaya naman pati ang netizens ay tuwang-tuwa na makita siyang muli doing what she loves to do.
Wish din ng netizens na magtuluy-tuloy na ang paglakas niya para tuluyan na rin itong makabalik sa telebisyon.
- Latest