Bea, sinamahan sa raket ng jowang bilyonaryo?!

Sa Sukhothai Bangkok Hotel sa Bangkok ang hula na nag-stay sina Bea Alonzo at Vincent Co. Batay ito sa Instagram story na post ni Bea ng isang musical instrument na ang caption ay pangalan ng hotel.
Nakita kasi sila sa Suvarnabhumi Airport sa Thailand, nag-one plus one ang fans at feeling nila, sa nabanggit na hotel nga sila nag-stay.
Naka-private ang Instagram ni Vincent at hindi na siguro ito magpo-post ng tungkol sa kanila ni Bea dahil lumalabas pa rin.
Kaya, maghintay na lang tayo ng photos na lalabas kung meron man at kung wala, hayaan na natin ang dalawa.
Ang karamihan sa comment ay masaya para kay Bea, bagay na bagay raw sila at marami ang naniniwala na hindi magiging problema a kanilang relasyon ang pagiging Chinese ni Vincent.
May kasabihan kasi na Chinese rin ang gusto ng Chinese family na mapangasawa ng kanilang mga anak.
Outdated na raw ang paniniwalang ito at hindi rin naman maiisnab ng Co family si Bea dahil mayaman na ito at galing sa hard work ang yaman.
Andrea, NR pa kay Justin Bieber!
Hindi naman siguro for clout ang pag-follow ng Canadian singer na si Justin Bieber kay Andrea Brillantes sa Instagram nito.
Ang dami kasing bitter na follower na ni Andrea si Justin at may mga nagtanong pa kung legit ito? May nag-comment pa na baka admin lang ng IG ni Justin ang nag-follow kay Andrea.
Kahit admin pa ‘yun o granted na hindi talaga si Justin ang nag-follow, nasa IG pa rin nito that he follows Andrea.
Sabi ng bashers ni Andrea, hindi nila matanggap na napansin ni Justin si Andrea.
Ikinukumpara pa si Andrea sa wife ni Justin na si Hailey Baldwin-Bieber, at sa ex ni Justin na si Selena Gomez.
Anyway, wala pang reaction si Andrea rito, pero ang mom niyang si Belle Brillantes, nag-comment ng “Wow namen.”
- Latest