^

Pang Movies

Paulo, pinatulan ang ‘stalker’ ni Kim

Dianne Canlas - Pang-masa
Paulo, pinatulan ang ‘stalker’ ni Kim
Kim Chiu at Paulo Avelino
STAR/File

Tila hindi raw napigilan ni Paulo Avelino na sitahin ang isang lalake na diumano’y sunod nang sunod kay Kim Chiu sa naganap na Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino, isang fundraising fun run, kahapon na inorganisa ng Kapuso actor na si Alden Richards para sa Mowelfund.

Pinag-usapan ang video na nag-viral kung saan habang tumatakbo sina Kim at Paulo kasama ang mga marshal ay merong lalaking diumano’y sumusunod sa aktres.

Makikita sa video ang pagpapauna ni Paulo kay Kim at pagkatapos ay may sinabi siya sa lalake na tila sinisita nito.

Sa kabila nga ng pagpapaikot ng mga security sa paligid ni Kim ay hindi umaalis ang lalake.

Sa ibang video na kumalat ay maririnig daw na sinabi ni Paulo sa lalake na “hindi ka naman security, bakit galit ka.”

Tingin ng followers ng KimPau ay fan ng aktres ang lalaki.

Napagkamalan pa raw diumano na marshal ito dahil simula pa lamang ng event ay nakabuntot na ito sa My Love Will Make You Disappear actress.

Makikita nga rin sa mga larawan ni Kim habang tumatakbo na laging nasa likod nito ang lalake.

Biro ng fans ay na-stress pa raw si Paulo sa pagprotekta kay Kim sa fun run, na kinakiligan na animo’y protective jowa.

KIM CHIU

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with