Atasha babu na sa Bulaga, Julia bagong co-host?!

Marami na ang nagtatanong sa amin kung regular na ba si Julia Barretto sa Eat Bulaga.
Tatlong araw na siyang nagko-co-host doon at napapansin na wala na si Atasha Muhlach sa noontime show sa TV5.
Ang dami ring nagtanong kung totoo bang hindi na Dabarkads si Atasha?
May mga nagsasabing hindi na nga raw babalik sa naturang noontime show ang dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Ang sabi kasi, hindi na raw kaya sa schedule nito dahil regular na rin ang taping niya sa remake series ng Viva na Bad Genius.
May mga nagsasabi na ring may pressure na raw kasi ngayon sa panig ni Atasha, dahil mas umalagwa raw ang showbiz career ng kakambal niyang si Andres Muhlach.
Hindi naman sila pinagko-compete, pero gusto ring ma-achieve ng Viva na mapasikat pa nang husto si Atasha.
Sobrang hit kasi ngayon sa Viva One ang Ang Mutya ng Section E nina Andres at Ashtine Olviga, at ang tindi na rin ng fandom ng kanilang AshDres loveteam.
Grabe na rin ang fans na mala-AlDub na rin ang dating.
Sa Viva One pa lang napapanood ang kanilang Ang Mutya ng Section E, at ang dinig namin ay ipalalabas na rin ito sa TV5. Dito natin makikita kung malakas din ito pagdating sa free TV.
- Latest