Ricci, ayaw nang ipag-ingay ang lovelife!

Kabilang si Ricci Rivero sa ‘nasindak’ sa pelikulang Untold sa ginanap na Red Carpet premiere ng pelikula the other night.
Yup, nakakaloka talaga ang pelikula at ang husay-husay ni Jodi Sta. Maria.
Ibang level ang acting niya at para sa mga kaedad ni Ricci ang kuwento na ngayon ay ayaw munang gumawa ng pelikula.
Aniya : “So far wala pa po,” nang tanungin namin kung may chance bang gumawa ulit siya ng pelikula o teleserye.
Ayaw mo na?
“Hindi naman po. Ang hirap lang po ng schedule kasi everyday ‘yung training (sa basketball), eh ‘di ba ‘yung tapings from morning to noon talaga.”
Kumusta ang lovelife mo?
“Ok lang po. Private lang po, private,” sabi niya tungkol sa relasyon niya sa former beauty queen/politician na si Leren Mae Bautista.
Parang limot na nga ng lahat ang nakaraan nila ni Andrea Brillantes na sa kasalukuyan ay sobrang latina ang ganda sa mga ini-upload na face card.
Richard at Sarah, may nagbibinata na
Ahh 12 years old na pala agad si Zion, anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Magkahiwalay ang pagbati ng dating mag-asawa.
Post ni Richard : “Through all the highs and lows, you’ve always been right there by my side, with your big, kind heart. I’m so proud of the person you’re growing into, and I want you to know I’m always rooting for you, every step of the way. I will always have your back Zion.
“Keep being you, son. The world is brighter with you in it.
“I love you Zion!”
Si Sarah naman ay “happy birthday to my angel!
“you’ll always be my baby. i love you so so much, zion!!!! forever lucky to be your mum.”
Kalmado na ang setup ng dating mag-asawa.
David, hinahanap pa rin ang ina
Nakunan ng video ng ilang netizens ang actor-direktor na si David Chua na lumuluha habang nanonood ng concert sa Tondo, Manila kamakailan.
Kasama niya roon ang ilang artista at performers tulad nina Meg Imperial, Smokey Manaloto, Jopay & Joshua, Autotelic Band, at ang Bandang Lapis.
Sa video, na mabilis nag-viral, makikita si David sa gilid ng stage mag-isa, habang umiiyak nang todo at sinasabayan ang Bandang Lapis sa pagkanta ng kanilang awiting Kabilang Buhay, na tungkol sa pagpanaw at pangungulila sa mga mahal sa buhay.
Nang lapitan si David ng ilang fans pagkatapos nung event, tila nadyahe siya dahil sa kanyang ‘emo moment.’
“Nakakahiya naman,” pag-amin niya. “‘Yung lyrics kasi, naalala ko lang kasi ‘yung mom ko na sumakabilang-buhay noong 2020, nung kasagsagan ng pandemic.
“Mas ramdam ko lang kasi ‘yung song dahil malapit nang mag-Mother’s Day, and naalala ko lang kung paano kami usually nagse-celebrate.
“Kasi nga, since lumaki ako na walang tatay, ‘yung mom ko lang talaga ‘yung ‘constant’ sa buhay ko, lalo na nung nagsisimula pa lang akong mag-artista. Siya lang talaga ‘yung nagsu-support sa’kin noon,” sabi niya sa ilang kausap na nakasaksi sa kanyang pag-iyak.
Hindi lingid sa kaalaman ng fans ni David na pumanaw na rin kamakailan ang kanyang ama na halos dalawang beses lang niyang nakita mula noong iniwan nito silang mag-ina.
Posible kayang nakadagdag ito sa dalamhati ng chinito actor?
“Medyo, pero iba kasi ‘yun, e. Iba kasi ‘yung tama nu’n sa ‘kin. Ang sa ‘kin lang, masaya lang ako na nagkaroon na kami ng closure, at pinatawad ko na rin siya. And alam niyo, gumaan talaga ‘yung feeling ko mula noon. Nawala na ‘yung hinanakit na matagal kong dinadala.”
Paano niya ipagdiriwang ang Mother’s Day, ngayong ulila na nga siya sa magulang? “Plano kong bisitahin ‘yung mom ko sa libingan, tapos after that, meron kaming maliit na salu-salo sa Tondo. Dasal ko lang, sana andyan pa rin ‘yung nanay ko na patuloy na gumagabay sa ‘kin, at sana proud pa rin siya sa mga kabutihang ginagawa ko para sa mga kababayan namin sa Tondo, sa pamamagitan ng aming advocacy na Damayan sa Distrito Dos,” pagbabahagi niya.
Kyline dinaan sa meeting ang mga intriga, gusto nang mag-move on
Ok raw si Kyline Alcantara na kahapon ay nakipag-meeting sa mga taga-Sparkle. Ito ay sa gitna ng kinakaharap niyang isyu sa lovelife.
The other night (April 29) ay naglabas din ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center. Base sa official statement, gusto na lamang mag-move on ng aktres at panatilihin ang kanyang peace.
Nananatili rin umano ang kanyang respeto sa mga taong naging parte ng kanyang buhay ayon pa sa nasabing statement.
Umaasa rin si Kyline na matitigil na ang usaping ito.
Kasunod ng kanyang pananahimik, may ilang pumuri sa kanya pero meron din namang nagtaas ng kilay na parang hanggang EDSA ang hair niya dahil talagang parang siya ang laging nagma-manipulate ng relasyon.
Meaning, ang lakas daw ng dating niya.
Samantala, sa kanyang latest Instagram post, ibinalandra ng aktres ang kanyang ganda habang sine-celebrate ang 4.9 million followers.
Well, abangan dahil kabilang siya sa upcoming series na Beauty Empire with Barbie Forteza.
- Latest