Mayor Vico, mukhang napadaan lang sa birthday ni Vic!

Ang bongga naman ng birthday ni Bossing Vic Sotto kasama ang mga anak niya sa celebration niya.
Ang gandang tingnan ng pamilya nila sa litratong ipinost ng panganay ni Vic na si Danica Sotto-Pingris na present silang lahat na magkakapatid tuwing birthday ng daddy nila.
Sinabi rin naman noon ni Danica na ina-acknowledge niya ang efforts ng misis ng daddy niya na si Pauleen Luna na pinananatiling konektado silang lahat.
Ito raw talaga ang nag-i-initiate kung minsan na magsama-sama sila lalo na tuwing may okasyon sa kanila.
Kaya lutang ang saya ni Bossing na puring-puri talaga sa pagiging responsableng ama.
Parang bumabata pa nga ito habang tumatagal. As in parang mas bata pa raw tingnan sa anak niyang si Oyo Sotto.
Isa nga sa napansin ng mga follower ay ang pagiging present ni Mayor Vico Sotto.
Mukhang nakapag-chill daw ito at nakadalo sa birthday ng daddy Vic niya na parang bihira na ngang mangyari dahil sa pagiging abala niya sa nasasakupan niya bilang mayor.
‘Kaloka nga ang biro ng ibang follower na parang galing pa raw talagang trabaho si Mayor Vico dahil sa pormahan nito na para raw napadaan lang.
Na kahit simple nga ang porma niya ay lutang pa rin ang kaguwapuhan niya noh.
Talagang wala nang mahihiling pa si Bossing na mahal na mahal ng mga anak niya.
Bongga.
- Latest