Marco at Cristine, ayaw tantanan sa isyu ng pera

Iniintriga ngayon ang hiwalayan issue nina Marco Gumabao at Cristine Reyes. May isang naglabas ng video at dito ay sinabi niyang pera umano ang dahilan ng breakup ng dalawa.
Pera umano ang dahilan ng hiwalayan at hindi third party. Diumano ay panay raw ang hingi ng pera ni Marco kay Cristine kaya ito iniwan ng aktres.
Ipinagtanggol naman ni Ogie Diaz si Marco sa kanyang vlog sa YouTube. Aniya ay hindi raw ito totoo. Aniya ay matipid daw ang aktor pero may pera ito.
“Si Marco ay sabihin mo nang matipid pero may pera ‘yan dahil ayaw nga niya ng umaasa. Maaga siyang naging independent. Hindi na rin siya umaasa sa kanyang parents. Ibig sabihin, marunong mag-ipon,” pagtatanggol ni Ogie kay Marco.
“At saka meron na ba tayong nabalitaan na naging dyowa ng matrona si Marco?” hirit pa niya.
Anyway, sa isyung nagkabalikan sina Cristine at Marco dahil nag-follow back na ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram, ayon kay Ogie ay hindi pa raw nagkakabalikan ang dalawa.
“Meron akong nakausap, very, very close sa dalawa. Hindi naman daw nagkabalikan,” sey ni Ogie.
“Mutual decision naman daw ang naganap. Hindi naman sila magkaaway. Kumbaga, naghiwalay sila na okay sila,” dagdag pa niya.
Matatandaang unang pumutok ang tsika na break na sina Marco at Cristine nang mapansin ng netizen na nag-unfollow sa isa’t isa ang dalawa.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Marco o si Cristine hinggil sa issue.
BINI Mikha, bumuwelta sa pumuna sa pagta-tagalog niya!
Cool na sinagot ng BINI member na si Mikha ang isang netizen na pumuna sa paraan niya ng pagsasalita ng Tagalog.
Ini-repost ng netizen sa X ang video kung saan ay mapapanood na nagsasalita ng Tagalog si BINI Mikha.
Sey ng netizen, “Malamang sa Pilipinas yan lumaki Nung di pa sila sikat fluent naman Tagalog nyan ngayon umaarteng di sanay magtagalog halatang pinepeke Yung mga tangang fans lang naman nila nacucutan Cringey mo @bini_mikha.
Nang mabasa ito ni BINI Mikha ay kaagad siyang sumagot at mahinahong nagpaliwanag. Aniya ay fluent naman siya sa Tagalog pero may pagkakataong nabubulol siya.
“Hi! Thank you for saying this, a good opportunity for me to clear things up! I’ve said before a couple of times and to people who ask me about it that I can speak fluent tagalog, but there are times in a script or in front of the camera I get a little bulol or I overthink the tagalog words I should use.. that’s why I end up choosing to speak in straight english most of the time in front of the camera Have a good night!” pahayag ng miyembro ng Pinoy Pop girl group.
Sa isang hiwalay na tweet ay nakiusap naman si BINI Mikha sa kanyang fans.
“Let’s stop all the hate guys, my response was not to fuel hate but to inform and clear things up for everyone. Please spread kindness and just educate,” aniya.
- Latest