Kylie, pinapatanggal ang tattoo ng Kilay!

MANILA, Philippines — May isa raw treatment na ipinagawa si Miss International 2016 Kylie Verzosa sa kanyang mukha – ang pagpapa-tattoo niya ng kilay.
Binahagi niya sa kanyang TikTok video na nasa proseso na raw siya ng pagpapatanggal sa kanyang microbladed eyebrows.
May disclaimer naman siya at sinabing hindi naman niya sinasabing hindi iyon naging malaking tulong noon dahil epektib daw iyon lalo na noong pageant days.
Ipinakita niya nang closeup ang kilay at nagiging red tattoo na nga raw ito habang tumatagal na parang tattoo sa mukha niya.
At nang inalala niya ay nagulat siya na naka-siyam na taon na raw pala iyon. “So, I’m currently in the process of removing it. It’s been two months, and I can’t wait for the next session, and it’s not that pain-free,” kwento niya.
Hindi naman daw niya lubusang pinagsisisihan ang pagpapa-microblading eyebrows pero ito raw talaga ang tattoo na pinagsisisihan niya.
Iyon nga rin daw ang dahilan kung bakit limitado lamang ang nagagawa niya sa kanyang makeup kaya pare-pareho raw ang kanyang hitsura at biro niya “Come in, bashers.”
Marami sa mga follower niya na gustong magpa-microblading ang nagbago ang isip dahil sa kanyang ibinahagi.
Ang brow microblading ay naging popular at isa sa mga nag-trending na aesthetic treatment na tinatawag ding semi-permanent brow tattoo sa nagdaang mga taon.
- Latest