Starlet, nadiskubre ang pangangabit sa Kongresista!
Sino raw itong starlet na kabit daw ng isang kongresista sa isang distrito sa isang bayan sa Central Luzon?
May nakakilala sa kanya eh dahil hindi pa siya masyadong sikat, namamataan na rin siya sa ilang series na maiksi lang ang role.
Naku, alam naman ninyo ang ilang politicians ngayon, mga unknown na artista ang kinakabit. Basta may porma at payag, ginagawa nang babae sa dilim.
Kaya naman kung sakaling hindi palarin sa showbiz, nakatikim na siya ng konting yaman sa mayaman na politicians, huh!
Eh sakaling sumikat, at least, masasabi ng politicians na natikman ko na ang babaeng ‘yan!
ESNYR, papansin para maging big winner?!
Papansin ang housemate na si Esnyr!
Ipinakita na naman ng accla ang pagpapapansin niya nang pumasok bilang houseguest si Donny Pangilinan! As if naman, nag-iisang guwapo lang si Donny sa Bahay ni Kuya, huh!
Naku, ginawa na ni Esnyr ang ganyang paepek nung pumasok ang dalawang members ng BINI. Halos mawalan ng boses sa kasisigaw, huh!
Gustong maging PBB Survivor ni Esnyr kaya naman halos gawin na niyang lahat sa loob ng Bahay ni Kuya upang siya ang tanghaling winner!
Maraming acclang puwedeng gumawa ng ginagawa ni Esnyr sa Bahay ni Kuya, huh!
- Latest