Andre at GF, sabit sa malalang intriga ng KyBe breakup

Pati si Andre Paras nadadamay sa messy breakup nina Kyline Alcantara at Kobe Paras, lalo na nang mag-post ito na ipinagtanggol si Kobe.
In fairness kay Andre, wala siyang masamang sinabi kay Kyline at ang payo nga sa fans, kung totoong KyBe fans sila, ‘wag silang magpakalat ng fake news.
Nag-react at nagalit lang si Andre nang pati ang girlfriend niyang si Honey Escarez ay idamay.
May KyBe fan kasi na tinawag ang GF ni Andre na “cheap” at dito nagalit si Andre. Bakit daw tinawag nitong cheap ang GF? ‘Wag daw isali ang GF na tama naman dahil wala itong kinalaman sa nagtapos na relasyon nina Kobe at Kyline.
Ang hirap nito kay Andre dahil may chance na magkita sila ni Kyline dahil pareho silang Kapuso stars.
Magkakailangan sina Andre at Kyline, lalo na pagkatapos ng pasabog ni Jackie Forster sa nangyari prior to KyBe breakup.
Friends pa naman sina Kyline at Honey at nagkasama pa sila nang magbakasyon sa El Nido kasama kasama ang magkapatid na Paras.
Ngayon, baka pati si Andre ay in-unfollow na rin ni Kyline.
Barbie, nadadamay kay Kyline?!
May netizen na nagtanong kung hindi raw ba maaapektuhan ang Beauty Empire series nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara sa isyu ngayon?
Sa sobrang ingay ng breakup ng KyBe, natatakot ang fans ni Barbie Forteza na baka maapektuhan ang BE na sa June na ang airing.
Unfair naman daw kay Barbie na madamay siya sa isyu na wala naman siyang kasalanan.
In fairness kay Barbie, sandali lang nagka-isyu ang breakup nila ni Jak Roberto at pagkatapos noon, tumahimik na ang lahat. Hindi na nga nasusulat ang JakBie at mas maingay ang love team nina Barbie at David Licauco.
Anyway, lilipad pa-South Korea sina Kyline at Barbie para sa taping ng BE.
Wendell, umatras
Ilang days na lang at election na, pero bago dumating ang araw ng eleksyon, nag-withdraw na sa kanyang pagkandidatong konsehal sa District 4, Sampaloc, Manila. Sa kanyang Facebook, pinost ni Wendell ang kanyang “Withdrawal of Candidacy.”
“To my dear constituents of District 4, Sampaloc, Manila.
“I would like to officially inform you that I have withdrawn my candidacy as Councilor as of January 31, 2025, at Comelec Manila for the upcoming May 12 elections.
“After careful consideration ang heartfelt discussions with my family, manager, and network, I have made the difficult decision to discontinue my campaign due to prior work commitments and family matters.
“As election day approaches, I humbly urge everyone to vote wisely and choose leaders who will genuinely serve our beloved District 4, Sampaloc, Manila.”
“God bless us all.”
Pinuri ang desisyon niya, good decision daw ang ginawa niya. May nagbiro na mag-focus muna siya sa showbiz at pakikipagbarilan kay Ruru Madrid sa Lolong: Pangil ng Maynila.
- Latest