‘Tama ang dama ko kina Kobe at Kyline na ‘di magtatagal!’

Nakakaloka ang nangyari kina Kobe Paras at Kyline Alcantara. Ang panget ng hiwalayan.
Sabi ko na nga ba at hindi bagay sila Kobe at Kyline eh.
Kaya lang super in love noon si Kobe at naloka ako nang sagutin niya ako ng ‘please walang bastusan, Kyline is my girlfriend’ sabay talikod at irap sa akin.
Talagang super laugh ako dahil para bang sobra ang pagmamalaki si Kobe na girlfriend niya si Kyline.
Noong para talagang precious trophy na dapat ipagmalaki sa lahat ni Kobe si Kyline.
Inokray niya ako nang sabihin ko na mas bagay sa kanya kung level Sharon Cuneta o Kris Aquino ang girlfriend.
At talagang hindi siya nag-goodbye sa akin, snob ako totally, hah hah. Laugh na lang kami ni Benjie Paras kaya nalimutan ko tuloy itanong bakit sila nandun sa pinuntahan kong event.
Gusto ko iyon ugali ni Kobe na very transparent sa feeling niya.
Ipinakikita niya kung ano ang nararamdaman niya hah hah hitsurang ma-snob niya mga tao na feeling niya hindi niya kakampi.
Pero tama ang dama ko, hindi magtatagal ang kanilang relasyon at lalong hindi magtatapos sa altar.
Sure ako na maraming mas bagay kay Kobe. Hahahaha
- Latest