Matindi ang pangangailangan?! Billy, ibinenta ang Double Platinum Award!

Alam mo ba, Salve A., na binenta pala ng Fil-American singer, actor at host na si Billy Crawford ang kanyang Double Platinum Award nang kantahin niya ang theme song ng unang Pokemon movie sa Pinoy Pawnstar, rapper, businessman at social media influencer na si Boss Toyo?
Bukod kay Billy, ang ilan pang personalities na nagbenta ng collector’s items kay Boss Toyo ay sina Niño Muhlach, Jiro Manio at dati umanong girlfriend ng namayapang King of Rap na si Francis Magalona na nagngangalang Abegail Rait na nagbenta umano ng polo shirt, jersey shirt at photo memorabilia ng yumaong rapper which he considers his most precious collections.
Tiyak na mabibigyan ng ibang kahulugan ang pagbebenta ni Billy kay Boss Toyo ng kanyang Double Platinum Award sa halagang isang milyong piso.
Ganoon na ba ka-desperado ang mister ni Coleen Garcia sa pangangailangan ng pera at kailangan nitong magbenta ng isa sa kanyang precious awards?
Vhong, nagpasalamat sa misis
Ipinagmamalaki ng dancer-actor-comedian at host ng noontime show na It’s Showtime na si Vhong Navarro ang kanyang wife and longtime partner na si Tanya Bautista-Navarro dahil isa umano itong ideal wife at stepmom ng kanyang dalawang anak sa magkaibang nanay.
Although kabilang ang kanilang pamilya sa isang blended family, hindi ito nahirapang mag-adjust sa pagkakaroon niya ng dalawang anak bago pa man sila ikasal.
Vhong was formerly married sa actress-entrepreneur na si Bianca Lapus at meron silang isang anak na isa na ring actor na si Ice Navarro.
Iba naman ang ina ng kanyang panganay na si Fredriek Navarro. Ang dalawa niyang anak ay pareho na ring nagtapos sa kanilang koliheyo.
Bukod sa parehong close kay Tanya ang dalawa niyang stepsons, kaibigan din niya ang mga ina ng mga ito bagay na ikinatutuwa ni Vhong.
- Latest