Lotlot, may pangako kay Ate Guy!

Nangako si Lotlot de Leon na lalo pa silang magkakaisang magkakapatid para sa namayapa nilang inang Superstar at National Artist Nora Aunor.
Maraming kung anu-anong intriga pero, nanatili silang matatag – Ian, Matet, Kiko, Ken – sa lahat ng mga pangyayari.
Ayon sa isang mensahe ni Lotlot sa kanilang inang namayapa noong Miyerkules Santo : “Hi ma..
“Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na din naman sayo lahat mommy.. at alam ko din na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo. Yung tinuro mo sa akin na maging matatag sinusubukan ko po talagang gawin. Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra! Sana nakikita nyo po yun. They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo sobrang grateful po.
“Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma.. alam ko hindi mo kame pababayaan sa bawat desision na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kame nagkakaisa dahil sayo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko.
“Rest easy ma..
“Your daughter forever,
“Lot”
- Latest