^

Pang Movies

Maris, pasabog ang pag-i-Italian!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pang-masa
Maris, pasabog ang pag-i-Italian!
Maris Racal.
STAR/ File

Ang bongga ni Maris Racal na nagsalita raw ng Italian sa pag-premiere ng pelikula niyang Sunshine sa Far East Film Festival na ginanap sa Udine, Italy.

Ipinost niya ang video habang nasa stage sila ng director ng pelikulang pinagbidahan niya na si Antoinette Jadaone at mahaba-haba rin ang sinabi nito sa salitang Italian.

Kinabiliban si Maris dahil maski nga ang director na kasama niya ay ‘di inasahan ang pasabog niya.

Mukhang talagang pinaghandaan niya iyon at nakasuot pa siya ng Filipiniana.

Pinalakpakan siya ng mga dumalo roon na halos mga Italyano ha.

Emosyonal din siya nang first time niyang mapanood ang pelikula niya roon.

Wala talagang duda ang pagiging talented ni Maris na iba talaga ang dedikasyon sa craft niya at willing talaga siyang mag-improve.

Sa lahat nga ng proyekto niya ay talagang bigay todo lagi si Maris kaya walang duda na malayo pa ang mararating niya.

Imagine sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nila ng ka-loveteam na si Anthony Jennings ay heto siya na parang walang nangyari.

Sigurado namang natuto na siya sa nangyari noh.

Kaya kahit anong pamba-bash kay Maris, siya pa rin ang winner.

Deserved talaga niya.

Bongga.

MARIS RACAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with