^

Pang Movies

Fairy walk ni Anne, naka-attract ng mas maraming turista

Salve V. Asis - Pang-masa
Fairy walk ni Anne, naka-attract ng mas maraming turista
Anne

MANILA, Philippines — Wow, biglang taas daw ang halaga ng mga property sa Siquijor.

As in mga foreigner pa diumano ang nagkaka-interes na bumili ayon sa isang residente sa nasabing probinsiya.

Ang feeling nila malaki ang epekto ng fairy walk ni Anne Curtis sa isang batis doon na libu-libo na ang gumaya pero walang naka-perfect like Anne.

Almost 100 million na ang views ng video na ‘yun ni Anne na nag-fairy walk ang actress na naka-two piece.

Sa post nga ni Anne may-caption siyang “Huwag muna tayo umuwi. Hello, Siquijor. #DayOffNiMia”

Anyway, matapos ang isang dekada na pahinga sa paggawa ng mga teleserye, muling nagbabalik si Anne sa teleserye para sa kanyang dream role bilang Emelia “Mia” Hernandez, ang katumbas ni Ko Moon Young sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na It’s Okay To Not Be Okay. Pagbibidahan ito nina Anne, Carlo Aquino at Joshua Garcia .

Nauna nang ibinahagi ni Anne na inaasam niya ang role na ito habang pinapanood ang orihinal na Korean series ilang taon na ang nakalipas.

Iikot ang serye sa kwento ng buhay nina Mia (Anne), isang babaeng may antisocial personality disorder, at PatPat (Joshua), isang psych ward caretaker, na umikot ang mundo sa pangangalaga sa kanyang autistic na kuya na si MatMat (Carlo).

Natapos na silang mag-taping ayon sa mga post ni Anne.

Elijah at Romnick, napuri sa mata-mata acting

Acting showdown nga sa pagitan nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta ang natunghayan ng netizens sa pilot episode ng MMK.

Talagang napukaw ang viewers sa pinakitang mata-mata acting nina Elijah at Romnick sa isang eksena kung saan naghahabilin na ang tatay ni Sofronio Vasquez sa kanya.

“This elijah canlas and romnick sarmenta scene, the mata-mata acting, got me sobbing. grabe sobrang husay!” say ng isang @luizephyr

Komento naman ng isang Lester Nunez, “Grabe naman magpaiyak, Elijah at Romnick.”

Labis din ang papuri na natanggap ni Elijah sa kanyang magandang pagsasabuhay ng kwento ni Sofronio.

Sabi ni @GBgirl22, “Elijah! Wala ka talagang palya.”

“As always, @elijahcanlas_ never fails to amaze us with his exceptional acting skills, consistently delivering powerful and emotionally resonant performances that showcase his depth, versatility, and dedication to his craft,” dagdag ni @iamangelheannie.

Talagang tumagos nga sa puso ng viewers ang kwento ni Sofronio at na-inspire sila sa kwento ng The Voice USA champion.

Ito nga ang mga rason kung bakit kinakapitan ng manonood mula noon hanggang ngayon ang mga kwentong binibigyang buhay ng MMK.

Itinampok nga ang buhay at mga pinagdaanan ni The Voice USA Season 26 champion Sofronio Vasquez sa pagbabalik at unang episode ng MMK sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Isasabuhay ni Elijah ang kwento ng pagpupursige ni Sofronio na tahakin ang landas ng musika sa kabila ng kagustuhan ng kanyang ama na siya ay ma­ging dentista.

 Sa kabila ng sunud-sunod na kabiguan at ang biglaang pagpanaw ng kanyang ama, muntik nang sumuko si Sofronio sa kanyang pangarap. Makalipas ang ilang taon, hindi pinalagpas ni Sofronio ang oportunidad na makasali sa The Voice USA Season 26, kung saan nakatanggap siya ng standing ovation at four-chair turn mula kina Michael Bublé, Gwen Stefani, Queen Reba McEntire at Snoop Dogg.

ANNE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with