Ate Guy, maraming naipamigay na datung sa mga ‘tambay’ noon

Talagang hindi ko malimutan ‘yung Nora Aunor days ko.
Umaga pa lang nasa bahay na kami ni Nora Aunor kasama sina Baby K. Jimenez , Mercy Lejarde at ilan pang tawag naming Tambay ni Guy.
Talagang doon na kami nag-aalmusal, hanggang dinner, at pag-uwi meron ka pang datung na pamasahe.
Talagang very spoiled kami at noon pa parang mahuhulaan mo nang magiging poor si Mama Guy dahil nga halos lahat nang pera niya palabas.
Suwerte namin dahil hindi kami kasama sa mga minamaldita ni June Rufino na girl friday ni Nora Aunor. Siya ang dakilang bag lady ng panahong iyon, kaya reyna-reynahan siya.
Ang sarap ‘pag Christmas season dahil halos buong bahay ni Nora puno ng regalo.
Grabe siya mamili ng mga ipamimigay kaya naman bantay at tambay halos lahat ng showbiz writers.
Nabawasan lang ito nang magkaroon na ng Regal Production at malaking kuwento talaga ang pagbili ni Mother Lily Monteverde ng Valencia na isang revenge para sa kanya dahil nga doon siya napupuyat sa paghihintay kay Nora Aunor.
Iyon ang mga panahon na dakilang alalay ako ni Mother Lily, kahit saan siya magpunta kasama ako, talagang sobra pa sa alalay, sabi nga ni Douglas Quijano upgraded slave, hah hah.
Talagang hindi ko malimutan ang mga araw na iyon na talagang ang saya ng showbiz. Those were the days we will always cherish dahil it molded us to what we are now.
In fairness sa love sa amin ni Mother Lily kaya kami nagkaroon ng mga unit sa Imperial. Ginagawa pa lang iyon, naghuhulog na kami nina Ricky Lo, Mario Bautista, Ethel Ramos at iba pa.
Akala nga namin etching lang pero binibigyan naman kami ng resibo, kaya may titulo kami ng Imperial.
Kaya nga ang sarap ng buhay naming mga loyalista ng Regal ni Mother Lily. Those were the days talaga.
How we wish magbalik ang panahon na iyon. Bongga.
- Latest