^

Pang Movies

Cristine at Marco, naghiwalay dahil sa pulitika?!

Salve V. Asis - Pang-masa
Cristine at Marco, naghiwalay dahil sa pulitika?!
Cristine at Marco

MANILA, Philippines — Bukod kina Sofia Andres at Daniel Miranda, pinag-uusapan kahapon na diumano’y split na rin sina Marco Gumabao and Cristine Reyes.

Nakita ng mga eagle eye, hindi na sila nagpa-follow sa isa’t isa.

Sa account ni Cristine, ‘di na nga makikita ang mga dating photos nila ng aktor. Pero sa account ni Marco na kumakandidato sa isang probinsya sa Bicol, andun pa rin naman.

Ang duda nila, baka may konek sa pulitika ang breakup nila.

Annabelle Rama, pabor na mapangasawa ni Janine si Jericho

May issue kaagad ang joke ni tita Annabelle Rama kay Janine Gutierrez noong wake ni Superstar and National Ar­tist Nora Aunor – huling gabi ng lamay ng lola ni Janine.

Lumapit kasi si Janine para alukin ng dinner si tita Annabelle na nag-joke ng “asan ang asawa mo” na ang tinutukoy ay si Jericho Rosales na nung andun kami ay wala pa ang actor.

Natawa ang reaction ni Janine at hindi na nakakibo sa banat ni tita Annabelle.

At sabi pa ng mommy nila Ruffa Gutierrez, gusto niya ang actor para sa anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Anyway, dahil si Jericho ang pinag-uusapan naungkat ang kuwento sa actor at kay Heart Evangelista.

Tawang-tawa siya nang ikuwento ulit niya na inintriga niya talaga noon sina Jericho at Heart Evangelista.

Ayaw raw niya noon kay Jericho para kay Heart na nagpapa-handle sa kanya. Kaya sinabi raw niya kay Heart na may relasyon noon sina Carmen Soo (Malaysian actress na naka-partner ni Jericho sa isang teleserye).

Hahaha.

True enough naman naghiwalay noon sina Heart at Jericho at gumanda ang career ni Heart sa GMA 7 na nung una raw pumunta sa kanya ay ang payat-payat at gusto niyang painumin ng Vitamin C.

And the rest is history na. Ngayon ay malaking bagay ang kapayatan ni Heart sa kanyang pagiging international fashion icon na katatapos lang tumanggap ng Global Fashion Influencer of the Year award sa Dubai.

Dustin Yu nagpaliwanag; Bini Stacey at Bini Jhoanna tumulong sa pag-aayos ng mga housemate

Isa sa mga nominado ngayong linggo ang housemate na si Dustin Yu na nagbahagi ng kanyang karanasan sa labas ng bahay. Sey ni Dustin, bilang middle child sa pamilya ay madalas niyang nararamdaman na siya ang may pagkakamali.

Matatandaang nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng task leader na si Klarisse de Guzman sa nagdaang weekly task na patuloy na pinag-uusapan online.

Samantala, bago tuluyang lumabas ng bahay ay humingi naman ng tulong si Kuya sa mga houseguest na sina Bini Stacey at Bini Jhoanna upang mabigyan ng chance ang housemates na maayos ang hindi nila pagkakaintindihan. Nagbahagi ang dalawa tungkol sa mga bashing na natanggap nila na pinakanakaapekto sa kanilang career at pagkatao. Pinaalala rin nila ang kahalagahan ng pagpapakatotoo.

Natapos naman sa isang masayang bonding with the housemates ang pananatili ng mga houseguest.

Wild Wild ng South Korea, maghahasik ng wow sa bansa

Handa ka na bang sumayaw at magpakasaya?

Ang The Wild Wild After Party, isang high-energy dance at performance show mula South Korea, finally ay darating na sa Manila sa Mayo 24. 

Magaganap ito sa New Frontier Theater, bilang parte ng kanilang Asia tour.

Ang show ay 75 minutes na punong-puno ng intense na choreography, athletic na galawan, at solid na stage presence. Hindi lang ito para sa mga kababaihan, kundi para sa kahit sinong gustong makaranas ng kakaibang, visually exciting na show na siguradong makakapagpa-wow sa’yo.

May dalawang klase ng show na puwedeng pagpilian: isang exclusive para sa mga babae, at isa pang open sa lahat ng gender.

Kaya kung gusto mong manood nang kasama ang tropa o ang jowa, may option ka!

Ayon sa mga organizer, ang show na ito ay celebration ng self-expression, galaw, at koneksyon sa audience.

CRISTINE REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with