^

Pang Movies

Jodi, nakakakita ng multo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jodi, nakakakita ng multo!
Jodi

Ang tindi ng gulat factor ng pelikulang Untold na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria hatid ng Regal Entertainment.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na advance “screaming” party kamakailan at talaga namang katakut-takot ang tilian ng mga press and fans na nanonood sa mga jump scare scenes ng movie.

Pero hindi ka lang tatakutin ng pelikula dahil tatawa ka rin sa hilarious scenes and dialogues ng mga karakter. Bukod dito ay may mensahe rin ang movie dahil tinalakay nito ang alarming fake news and misinformation na nangyayari sa bansa na pwedeng bumago sa buhay ng isang tao.

Definitely, Untold is Jodi’s film dahil sa karakter niya talaga nakasentro ang pelikula bilang si Vivian Vera, isang broadcaster na gagawin ang lahat para maka-scoop.

Minsan pa ay pinatunayan ng aktres ang kahusayan niya sa pag-arte dahil talaga namang napaka-convincing niya sa kanyang karakter bilang tila insane and crazy woman na isinumpa’t nakakakita ng mga multo.

Gusto rin namin ang role ni JK Labajo bilang isang naïve na lovestruck sa karakter ni Jodi.

Matindi rin ng impact ng karakter ni Joem Bascon at tiyak na ikagugulat n’yo ang kanyang last scene.

Pero siyempre, ang laking factor din ng support nina Mylene Dizon at Gloria Diaz bilang boss at ina ni Vivian respectively.

Medyo bitin lang ang en­ding at pag-iisipin kayo kung ano ba talaga ang nangyari kay Vivian Vera.

Kung mahilig kayo sa mga jump scare and suspense movies na tipong hindi ka halos makahinga sa mga kaganapan, this movie is for you. Showing na ang Untold ngayong April 30 sa mga sinehan nationwide mula sa direksyon ni Derrick Cabrido.

Kasama rin sa movie sina Sarah Edwards, Gian Magdangal, Kaori Oinuma, Lianne Valentin at marami pang iba.

JODI STA. MARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with