^

Pang Movies

Alden at Paulo, pinatunayang BFF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden at Paulo, pinatunayang BFF
Alden, Kim at Paulo

Makakasama na nina Julia Montes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Dingdong Dantes sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa gaganaping Lights, Camera, Run.

In-announce ito ng Myriad Events, ang kumpanya ni Alden Richards na siyang nasa likod ng charity event in partnership with Mowelfund.

Dahil kumpirmado na ang pagsali ng KimPau, aabangan din nila kung 3K, 5K, 10K  o 16K ang tatakbuhin ng KimPau.

Good friends talaga sina Alden at Paulo at nagsusuportahan sila ng ganap ng bawat isa. Maaalalang nagpa-block screening si Alden sa movie ng KimPau na My Love Will Make You Disappear.

Janine at Jericho, magbibigay ng ayuda araw-araw

Hindi malinaw ang sagot ni Janine Gutierrez sa tanong ni Annabelle Rama kung asawa ba niya o boyfriend si Jericho Rosales?

Nangyari ito sa final wake ni Nora Aunor, dumaan si Janine sa harap nina Annabelle at Malou Choa-Fagar. Hinawakan ni Annabelle ang kamay ni Janine at inilapit sa kanya, saka tinanong.

Ngumiti si Janine sa tanong ng kanyang “tita Annabelle,”  may isinagot, hindi lang malinaw, kaya hindi namin narinig ang sagot niya. Pero, alam naman nating lahat na boyfriend ni Janine si Jericho. Pero, ‘yung kasal, malay natin at malapit na rin ‘yun mangyari.

Anyway, may bagong project si Janine with Jericho. Kaya pala masaya ang fans ng dalawa dahil sila na naman ang magkapareha at ibig sabihin, may ayuda sila kina Janine at Jericho araw-araw.

Hajji, ayaw sanang ipasabi ang sakit

Sa FB post ni Rachel Alejandro, nabanggit ang rason kung bakit nakiusap ang ama niyang si Hajji Alejandro na ‘wag sasabihin ang kanyang pagkakasakit.

“He asked us to keep it private, which is why none of his family ever spoke about it. He was fully prepared to get well and get back to work, which was why he wanted to avoid word leaking out about his sickness.”

Ang tanong, bakit nakalabas ang balitang may sakit si Hajji? Sino sa pamilya nito ang sumira sa pa­ngako at nakuwento na may sakit siya at doon nalaman ang kalagayan nito.

Patuloy ni Rachel, “Even when he was already in considerable pain, he performed in 2 more events before he was admitted into the hospital for surgery. For Dad, every show is a blessing and performing for you all is our highest calling as singers.”

Samantala, hindi nga pinayagan ng pamilya ni Hajji na makapunta sa kanyang wake ang partner niyang si Alynna Velasquez, sa Instagram nito inilabas ang kanyang saloobin ang nararamdaman.

May mga post ito sa IG Stories na “Pain, pain go away, please...

“How could people so mean to me when I am also grieving? God sees everything...” at “My heart always forgives...”

Tanggap ng netizens ang pagiging partner ni Alynna kay Hajji, kaya marami ang nag-condolence sa kanya. May mga naawa sa kanya at may mga payo na maging strong siya at may fans si Hajji na nagpasalamat kay Alynna for loving and staying by his side, lalo na noong may sakit ito hanggang pumanaw.

Hindi pa tapos ang isyung ito ni Alynna with her late partner’s family. Sana nga, magkapatawaran sila kung may pagkukulang at may kasalanan man ang sinuman sa kanila. Respeto na lang daw kay Hajji na nagmahal kay Alynna at minahal naman nito.

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with