Thea, napagkamalang kabet

‘Kaloka naman ‘yung marites daw na nagsumbong sa misis ni Kristoffer Martin na kasama raw nito si Thea Tolentino na mali naman daw pala.
May marites daw na nagpadala ng mensahe dun sa AC Banzon na misis daw ni Kristoffer at sinabing nakita raw nito ang mister niya na kasama si Thea Tolentino ng araw na iyon sa isang resto sa Sta. Rosa na sobrang sweet daw at naka-Subaru paalis.
Gusto lamang daw nitong malaman nito at hindi raw niya sinadyang makitsismis, at bilang babae raw ay deserved nitong malaman ang nakita niya.
Pero ang nakakatawa ay Martin din daw pala ang pangalan ng boyfriend ni Thea na Martin Joshua raw ang kasama niya roon.
Tama nga naman daw na kumain sila roon at sweet sila na ikinatawa lang ni Thea.
Tawang-tawa rin si Kristoffer dahil ginawa lamang nila iyong biro at ipinost na naka-tag daw si Thea at sinabing yari ito sa misis niya.
Nakakaloka ang mga epal na marites na hindi marunong mag-fact check ha.
‘Yung akala niya nakatulong siya pero nakaperwisyo lamang pala.
Mukha nga raw tipikal na tsismosa lamang iyon na narinig lang siguro ang pangalang “Martin” at hayun nag-assume na ito.
Mabuti nga raw ay naka-dummy account lamang iyon kundi mas mapapahiya lamang iyon sa pagma-marites niya.
‘Kaloka tsila.
- Latest