^

Pang Movies

Ruffa, ayaw patulan ang mga naghahabol na ‘babae’ ni Yilmaz!

Salve V. Asis - Pang-masa
Ruffa, ayaw patulan ang mga naghahabol na ‘babae’ ni Yilmaz!
Ruffa

MANILA, Philippines — “So kung matutuloy siya this coming May, napakagandang reunion ‘yun kasi syempre he wants to see my mom (Annabelle Rama) and dad (Eddie Gutierrez) also. And maganda ‘yun, I think it’s gonna be a nice homecoming,” sabi ni Ruffa Gutierrez sa contract signing niya sa Kabayan Remit recently.

Pinag-usapan nga ang tungkol sa pagdating sa bansa ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas dahil tinanong siya kung tuloy ba ang pagpapadala ng ex niyang Turkish businessman ng pera sa kanilang mga anak na sina Lorin and Venice.

Naging maayos ang lahat sa kanila nang dalawin ng mga anak niya sa Turkiye ang ama nilang matagal nilang hindi nakita. 

Tho ayaw pa rin ni Ruffa na sabihin kung magkano ang pinadadala ng ex. Basta para sa kanya ok na ‘yun lalo na kung magda-download ito ng Kabayan Remit app, sabay tawa niya.

Excited ba siya na finally ay darating sa bansa si Yilmaz? Maaalalang nag-post si Yilmaz sa kanyang Instagram story ng “For public opi­nion: Regarding the news about me that has been published in the media recently, I would like to say, ‘Yes, these news are true. I will be visiting the Philippines soon. Yilmaz Bektas? With my best regards,’” kalakip ang pirma nito.

Nauna nang umamin si Ruffa na nag-propose ulit ang ex-husband niya last March. “It was more of an excitement kasi for the first time since 2008 babalik na siya sa Pilipinas, kung pupunta siya ha,” sabi niya sa amin.

Pero ang ikinaloloka niya ay nang makatanggap siya ng kung anu-anong messages nung kumalat na dara­ting nga ito sa Pilipinas. Pag-amin niya : “Kasi ang nakakaloka diyan, nung in-announce niya na pupunta siya, maraming girls na nag-message sa akin. Ayaw ko silang patulan. Pero sabi ko, huwag kayong mag-message sa akin. Wala naman ako sa buhay ni Yilmaz for the last how many years. So, sa mga babae na nagre-react huwag na kayong mag-message. ‘Yung isa Pilipino eh,” mensahe niya sa mga ayaw siyang tigilan dahil sa sinabi ng dati niyang mister.

Dagdag pa niya : “Sila ‘yung affected. So sabi ko, he will come and spend time with his kids. It’s not about me, it’s not about us getting back together. It’s about him having the connection with the kids na once pa lang nangyari,” dagdag niya pa niya habang natatawa.

Pero pakiramdam niya ay nag-mature na rin si Yilmaz.

“Oh wow, nag-react siya talaga. So, I think Yilmaz has matured.”

How are you planning, and may iti­nerary ba pagdating ni Yilmaz sa bansa?

“Wala pang itinerary. Pero for sure, magdi-dinner kami with the whole fa­mily. I’ll prepare something nice. Just the way he prepared something nice when Lorin and Venice went to Istanbul.”

So your kids will be here? “They’re coming in May. I think Lorin’s coming in May. Si Venice, pag-uusapan pa namin.”

Reaction na lang nila to this latest development? “Siyempre, happy sila. ‘Yung mga bata naman, happy sila. And they’re more mature na. Alam nila it’s more of a friendship. Like I said earlier, nandiyan ‘yung pagmamahal. But it’s a different kind of love. It’s more like love for family. It’s not a romantic kind of love,” paliwanag pa ni Ruffa na isa sa mga bida sa mag-uumpisang serye sa GMA at Viu na Beauty Empire.

Anyway, sa United Kingdom, America, at Canada pa lang may Kabayan Remit at wala pa sa Turkey, pero sabi ni Ruffa, may account naman sa London si Yilmaz kaya keri nitong magpadala ng remittance sa Kabayan Remit kung saan siya ang first ever ambassadress.

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with