Carmina, na-vindicate!

‘Kaloka naman na mukhang pikon na pikon na raw ang nanay ni Kobe Paras na si Jackie Forster sa mga sinasabi tungkol sa breakup ng anak niya at ni Kyline Alcantara.
Nagkaroon nga ng espekulasyong hiwalay na sina Kyline at Kobe matapos magbahagi ng cryptic post ang aktres at pagkatapos ng ilang araw ay in-unfollow naman nito ang diumano’y ex-boyfriend.
Kumalat pa raw ang mga litrato ni Kobe na may ibang kasamang babae kaya na-bash ito nang bonggang-bongga at inakusahang cheater.
Ikinonek pa raw ng mga follower ang cryptic post ni Jackie tungkol sa diumano’y hiwalayan ng dalawa.
Pero meron daw mga pakialamerang fans ng aktres ang nagkomento na tigilan na ng nanay ni Kobe ang pag-post at ikonsidera ang nararamdaman ng mga magulang ni Kyline.
May nagkomento pa raw sa lumang post ni Jackie na sinabing tahimik ang pamilya ng aktres at marami ang naglalabasang balita tungkol sa cheating issue ni Kobe, at meron pa raw silang ebidensya. Sinabihan pa nito na huwag kunsintihin ni Jackie ang maling ginagawa ng anak.
At sinagot daw iyon ni Jackie na hindi raw iyon totoo at “Please check your facts. I have proof.”
Sey nga ng mga marites, kung ang nanay ng ex ni Kyline na si Mavy Legaspi na si Carmina Villarroel ay mataray, si Jackie naman daw ay maldita.
Hindi raw uubra ang mga basher kay Jackie.
Sa nangyayari ngayon sa diumano’y ‘di magandang breakup nina Kobe at Kyline, mukhang vindicated daw si Carmina, na na-bash pa nang bongga noon.
‘Kaloka.
- Latest