^

Pang Movies

Erap, nagdadalamhati

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Erap, nagdadalamhati

Kahit hirap na maglakad ay pumunta pa rin si dating pangulong Joseph “Erap” Estrada sa huling gabi ng lamay ng nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor para magbigay ng kanyang huling respeto.

Dumating si Erap sa burol ni Ate Guy sa Heritage Park kagabi, Monday. Akay-akay siya ng kanyang mga anak na sina Sen. Jinggoy Estrada at Jude Estrada.

Si Erap ay isa rin sa iti­nuturing na icon at haligi ng movie industry. Nakapareha niya si Ate Guy sa dalawang pelikula, ang Erap is My Guy in 1973 at Bakya Mo Neneng in 1977.

Bago ang pagbisita sa lamay ay naglabas na rin ng kanyang pahayag ang dating aktor hinggil sa pagpanaw ni Ate Guy.

“Lubos ang aking pakikidalamhati sa paglisan ng ating National Artist, ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

“Malalim ang pinagsamahan namin kaya’t mabigat tanggapin ang balita ng kanyang pagpanaw. Isang malaking kawalan hindi lamang sa industriya kundi sa bansa ang pamamaalam ng isang pambihirang talento na nagbigay inspiras­yon sa milyun-milyon nating mga kababayan. Isinabuhay niya ang pag-asa sa mga taong nagsusumikap abutin ang kanilang parangal gamit ang puhunan na angking galing sa pag-awit at husay sa pag-arte sa harap ng kamera.

“Mananatiling buhay sa alaala ng lahat ang kanyang mga naging ambag sa industriya ng pelikulang Filipino. Ang kanyang ningning ay hindi kailanman maglalaho.

“Paalam, Guy. Nawa’y matagpuan mo ang kapayapaan sa piling ng Maykapal,” ang mensahe ni Erap sa pagpanaw ng kanyang dating leading lady at kaibigan.

Kahapon ng tanghali, April 22, ay hinatid na huling hantungan ang labi ni Ate Guy. Binigyan siya ng state funeral with full military honors sa Libingan ng mga Bayani. Bago ilibing ay binigyan din siya ng state necrological services na ginanap naman sa Metropolitan Theater.

Inilibing ang labi ni Nora sa Section 13 ng Libingan ng mga Bayani kasama ang iba pang national artists at scientists. Katabi niya ang direktor sa classic film niyang Himala na si Direktor Ishmael Bernal.

JOSEPH “ERAP” ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with