^

Pang Movies

Hunkie actor, alipin ng asawang sexy star!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sunud-sunuran ang isang hunk personality na minsan na ring lumabas sa movies, sa sexy niyang asawa na nagbida na rin sa movies.

Pantasya ng maraming female stars si hunkie pero naging maagap si sexy star na mapunta sa kanya si hunk actor.

Napapansin lang ng marami na kapag magkasama sa isang showbiz event ang dalawa, hindi nagsasalita si hunk hanggang walang senyas mula sa dyowa.

Eh limitado rin kasing magsalita si hunk actor kaya parang aral sa asawa ang sinasabi niya kapag nasa publiko.

Hindi na masyadong aktibo ang showbiz couple sa showbiz. Meron na silang pinagkakaabalahan na may kinalaman sa kanilang pamilya.

Takang-taka siyempre ang nakakakilala sa aktor na timi pala kapag kasama na ang asawa lalo na sa harap ng tao, huh!

Buti na lang, faithful si hunk sa asawa!

Death curse, sa buwan ng Abril?!

Panibagong pagluluksa ang nangyari kahapon sa pagpanaw ng isa pang music legend na si Hajji Alejandro kahapon.

Kumalat ang balita at kalaunan eh ang manager ni Hajji na si Girlie Rodis ang nagkumpirma sa pagkamatay ng Original Kilabot ng Kolehiyala at maraming pinasikat na kanta.

Nagsimula ang lungkot sa showbiz nang mamatay ang Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales. Hindi pa nga naililibing si Pilita, ang pagyao ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor ang bumigla sa lahat!

Then, kasunod ang pagyao ni Pope Francis na mahal na mahal ng buong Katoliko at bumisita na sa bansa.

Hindi pa dun naputol ang sumpa ng kamatayan nang si Hajji naman ang binawian ng buhay.

Sobrang lungkot nang lahat.

Bakit sunud-sunod ang namamatay?

Kaya naman gusto na nilang matapos ang buwan ng Abril para matigil na rin itong death curse!

Ayon nga sa post ng isang film producer sa social media account niya, “The REAPING so far this year is DEVASTATING.” Na tila patungkol sa sunud-sunod na deaths in showbiz plus Pope Francis.

Sana eh mayroong mamuno sa pagdarasal upang matapos na ang kalungkutang ito ng lahat!

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with