Hajji, sumunod kina Pilita at Nora!

Alam mo, Salve A., nakapahirap isipin at tanggapin na tatlong hinahangaan at tinitingalang music and cinema icons ang pumanaw sa loob lamang ng siyam na araw sa buwang ito ng Abril 2025 and less than three months sa pagitan ng movie queen at isa pang cinema icon na si Gloria Romero na sumakabilang-buhay naman nung nakaraang Jan. 25, 2025 sa edad na 91.
Ang tinaguriang Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales ay pumanaw nung April 12, isang araw bago ang Palm Sunday. She was 87.
Sumunod naman sa kanya ang kanyang (dating) balae, ang National Artist at nag-iisang superstar ng bansa na si Nora Aunor nung April 16, Holy Wednesday, at age 71 kasunod ang isa pang OPM icon at tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro nung Easter Monday, April 21, 2025, same day ng pagpanaw ng mahal na Santo Papa, si Pope Francis ng Vatican.
Pansinin ninyo ang pagkakataon ng paglisan nina Pilita, Nora, at Hajji. It was the last wake of Pilita nung April 16 nang pumanaw si Guy (Nora) at huling wake na rin ni Guy nung April 21 nang mamaalam naman si Hajji gayundin ang mahal na Santo Papa, si Pope Francis.
Was it merely a coincidence o may ibang mensahe ang gustong ipaabot sa ating lahat ng Diyos?
It was last February nang ma-diagnose si Hajji ng kanyang colon cancer on its 4th stage. Sumailalim siya sa operasyon at nagkaroon ng komplikasyon hanggang sa kanyang maaga at hindi inaasahang pagpanaw nung nakaraang Lunes, April 21, sa edad na 70.
Si Hajji ay Angelito Toledo Alejandro at ipinanganak nung Dec. 26, 1954 sa Alaminos, Pangasinan.
Hajji was still in college sa Ateneo de Manila University nang siya’y mapasama sa Circus Band, ang bandang binuo nung 1969 ni Atek Jacinto na siya ring tumayong manager ng grupo.
Bukod kay Hajji, naging bahagi rin ng Circus Band sina Basil Valdez, Tillie Moreno, Pat Castillo, Pabs Dadivas at ang mga yumaong sina Richard Tann at Jacqui Magno.
Kung kailan namamayagpag na noon ang Circus Band ay saka naman isa-isang umalis ang mga miyembro para harapin ang kanilang respective solo career na sinimulan nina Richard Tann at Basil Valdez.
Sa kalaunan ay nagsunuran na rin ang iba pang miyembro kaya halos wala nang natira sa grupo kaya maaga itong na-disband.
In 1978, National Artist for Music Maestro Ryan Cayabyab picked on Hajji na siyang mag-interpret ng kanyang kinompos na kanta, ang Kay Ganda ng Ating Musika sa 1st Metro Manila Popular Music Festival nung 1978.
Ang nasabing awitin na kinanta ni Hajji ang nagwagi ng grand prize maging nang ito’y ilahok sa Seoul Music Festival in Seoul, South Korea on the same year na siya ring nanalo ng grand prize ang Best Singer for Hajji.
Kulang na lamang maging national anthem ang Kay Ganda ng Ating Musika dahil sa universal message ng kanta na binigyang-buhay ni Hajji.
Nagpatuloy ang pamamayagpag ng kasikatan ni Hajji maging ng kanyang mga pinasikat na awitin.
Nang magkaroon siya ng campus tour to promote his album, dito niya nakuha ang tag na “Kilabot ng mga Kolehiyala” (college girls’ heartthrob).
Marami pang sumunod na hit songs ang tumatak kay Hajji at kasama na rito ang Nakapagtataka na kinompos ni Jim Paredes ng APO Hiking Society, Ikaw at ang Gabi, Pamamaalam, If I were Man Enough, Isang Araw, among others.
Sa apat na anak ni Hajji, ang kanyang second daughter na si Rachel Alejandro ang sumunod sa kanyang mga yapak being a popular hitmaker and performer as well bukod pa sa pagiging songwriter.
Ang isa pang coincidental sa naging sakit niya, ang pagkakaroon ng colon cancer na siya ring ikinamatay ng kanyang ex-wife, ang dating beauty queen, host at dating politician na si Rio Diaz na siyang ina ng unico hijo ng music icon na si Hajji na si Ali Alejandro.
Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos pusong pakikiramay at respesto sa mga naulila ni Hajji.
Samantala, panoorin ang aming eksklusibo at masayang panayam sa OPM Hitmakers na binubuo nina Hajji, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuniga with the concert queen na si Pops Fernandez sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
- Latest