^

Pang Movies

Jackie, may issue ng accountability kay Kyline

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jackie, may issue ng accountability kay Kyline
Jackie

Quits na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras dahil pareho na nilang in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram. Para sa fans ng Kapuso singer-actress, panalo pa rin ito dahil nauna siyang mag-unfollow sa ex.

May mga hindi na nagulat sa early breakup ng dalawa dahil sa simula pa lang ng kanilang relasyon, in-expect nang hindi sila magtatagal. Ito ay dahil sa malaking pagkakaiba ng kanilang personalidad. Party boy raw si Kobe, samantalang si Kyline hati ang puso at isip sa lovelife at career.

Kaya lang, hindi natatapos ang isyu sa KyBe sa pag-a-unfollow nila sa isa’t isa lalo at may bagong post uli ang mom ni Kobe na si Jackie Forster tungkol sa accountability at manipulation.

Unang cryptic post ni Jackie: “It’s easier  to deny, deflect, and distort than to take accountability. So instead of owning their behavior, they create a version of the story where you’re the problem. But their narrative doesn’t change your reality and your healing doesn’t require their validation.”

Sinundan ito ng isa pang cryptic post: “When someone realizes they can no longer manipulate you, they rewrite the story to protect themselves. Because telling the truth would require them to face the harm they caused and to sit with everything they’ve been avoiding within themselves.”

May mga nag-comment na natural lang kay Jackie na kampihan ang anak, pero dapat daw ‘wag kampihan kung may maling ginawa si Kobe. Sa halip, payuhan daw ito. As for Kyline, nauna na siyang pinayuhan ng fans na tigilan ang pagpo-post ng cryptic post para hindi na lumaki ang isyu.

Rachel, tahimik pa sa pagkamatay ng ama

Pinost ni Barni Alejandro, isa sa mga anak ni Hajji Alejandro, ng video na kinakanta ang isa sa hit song ng ama na Ang Lahat Ng Ito’s Para Sa’yo.

Ramdam ang lungkot nito habang kinakanta ang song na pinasikat ng ama. “I can’t fathom a life without you. My heart is broken into a million pieces. You were my first love, my hero, my idol. Forever, your Yabs (tila personal endearment niya ito sa ama).”

Wala pa kaming nakitang reaction nina Rachel at Ali Alejandro (dalawa pa sa anak ni Hajji), hayaan muna natin silang damhin ang lungkot sa pagpanaw ng kanilang ama.

Sa pagbisita namin sa Instagram at FB ni Ali, nalaman naming mahusay na drummer ang anak nila ni Lougee Basabas. Wala pa yatang 10 years old ang bata, pero ang husay nang pumalo sa drum.

Cocoy Laurel, dumalaw kay Nora kahit hirap nang lumakad

Nakita namin si Jericho Rosales sa final night ng wake ni Nora Aunor, naglalakad ito at ka-holding hands ang girlfriend na si Janine Gutierrez. Nasa likod nila at kasunod na naglalakad ang isang kapatid ni Janine at ang dad nitong si Ramon Christopher.

Comment agad ng mga kasama naming reporter, hindi mahihirapan si Jericho na pakisamahan ang pamilya ni Janine dahil tanggap agad siya ng mga ito. Fa­mily member na agad ang datingan ng aktor at nakita naman natin na pinagkatiwalaan siyang magsalita sa eulogy ng grandmother ni Janine na si Pilita Corrales.

Actually, ang daming magagandang eksena sa wake ni Nora at isa rito ay ang pagbeso ni Jackie Lou Blanco sa husband ngayon ni Lotlot de Leon. Hindi lang si Jackie Lou ang nagbeso sa husband ni Lotlot, pati ang isa niyang anak na ang ibig sabihin, at peace sila kaya ‘wag nang intrigahin pa.

Isa pang very touching na nangyari ay ang pagdating ni Cocoy Laurel sa wake ni Guy, kahit hirap itong maglakad at kailangang alalayan, dumating pa rin ito. Nagpaunlak pa nga nang i-request na kantahin ang ilang lines ng Lollipops and Roses na theme song ng movie nila ni Nora with the same title.

Anyway, marami ang request na ipalabas ang ilang old movies ni Nora, pati na ang hindi na naipalalabas at ginagawan na ito ng paraan. Para naman mapanood ng mga kabataan ngayon na hindi na kilala ang Superstar.

KYLINE ALCANTARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with