^

Pang Movies

Pope Francis, may bilin ng simpleng burol

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pope Francis, may bilin ng simpleng burol
Pope Francis

Malungkot na naman ang araw ko kahapon dahil sa pagpanaw ni Pope Francis na panganay pala sa limang magkakapatid na mula sa Buenos Aires, Argentina.

Namatay si Pope Francis noong Lunes ng Pagkabuhay, Abril 21, 2025, sa edad na 88 sa kanyang tirahan sa Casa Santa Marta ng Vatican.

Maalalang ang Papa ay na-admit sa Agostino Gemelli Polyclinic Hospital noong Pebrero 14, 2025, matapos dumanas ng bronchitis sa loob ng ilang araw.

Unti-unting lumala ang sitwasyon ni Pope Francis, at na-diagnose ng kanyang mga doktor ang bilateral pneumonia noong Martes, Pebrero 18.

Matapos ang 38 araw sa ospital, bumalik ang yumaong Papa sa kanyang tirahan sa Vatican sa Casa Santa Marta upang ipagpatuloy ang kanyang paggaling.

Ayon kay Arsobispo Diego Ravelli, Master of Apostolic Ceremonies, hiniling ng yumaong Pope Francis na pasimplehin ang funeral rites at ituon ang pansin sa pagpapahayag ng pananampalataya ng Simbahan sa Buhay na Katawan ni Kristo.

Kaya ipagdasal natin ang kaluluwa ni Pope Francis kahit alam naman na­ting lahat na makakarating siya sa langit dahil sa mga kabaitan niyang ipinakita simula sa kanyang pagkabata.

Salamat sa magagandang paalala, Pope Francis.

 

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with