Nora, ihahatid na sa huling hantungan

Ngayong araw, Martes, April 22 nakatakdang ihatid ang labi ni Superstar and National Artist for Film Nora Aunor sa kanyang huling hantungan.
Nakatakda ring ganapin ang kanyang State necrological funeral services ngayong umaga, 8:30 AM sa Metropolitan Theater in Manila base sa inilabas na joint statement ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP)
“The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP) join the nation in commemorating the life and remarkable contributions of National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Cabaltera Villamayor, belovedly known as Nora Aunor, in a necrological service on Tuesday, April 22, 2025, at the Metropolitan Theater in Manila,” ang pahayag ng CCP at NCAA.
“Arrival honors will begin at 8:30 AM, followed by a tribute program at 9:00 AM. The state funeral rites will continue at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City,” it said.
Iniimbitahan ang publiko at mga tagahanga ni Ate Guy na dumalo sa necrological service. Limitado ang seats na available pero maglalagay naman daw ng screen sa labas para sa mga hindi makakapasok bukod pa nga sa naka-livestream ito sa Facebook pages ng NCAA at CCP.
“She was conferred the Order of National Artist (Orden ng Pambansang Alagad ng Sining) by the Office of the President in 2022. The Order of National Artist is the highest national recognition given to Filipino individuals who have made significant contributions to the development of Philippine arts,” ang pagpupugay ng NCAA at CCP sa Superstar.
Samantala, nagbigay ng huling respeto si Megastar Sharon Cuneta sa nag-iisang Superstar.
Kasama ang asawang si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan, dumalaw si Shawie sa burol ni Ate Guy sa The Heritage Park last Sunday night.
Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Mega sa mga anak ng Superstar na sina Ian de Leon at Lotlot de Leon.
Mahigit isang oras ding nagtagal sina Sharon at Kiko sa burol at tinapos nila ang programa na in-organize ni Gina Alajar and her church friends.
Ayon kay Shawie sa panayam ng ABS-CBN, nasa bucket list daw niya ang makatrabaho si ate Guy sa isang pelikula subalit hindi na siya nabigyan ng pagkakataon.
“I think it’s everyone’s dream na makasama ang ‘the greats’ and she’s certainly one of those. It’s an end of a golden era in the industry. Kasi nag-iisa lang talaga si Ate Guy. The original and one and only superstar. Lahat kami, gusto namin maging katulad niya,” sey ni Mega.
Para naman kay former Senator Pangilinan, napakalaking kawalan sa industriya ang pagpanaw ng National Artist.
“Isang malaking kawalan, national treasure siya at talagang tinitingala. ‘Yung storya niya, mula sa pagbebenta ng tubig sa riles ng tren sa Bicol region hanggang sa maging superstar siya. Talagang inspirasyon sa maraming tao,” pahayag ni Atty. Kiko.
Dagdag naman ni Mega, “at saka, natutuwa ako na she became a National Artist habang she had time to enjoy the honor. And she was so deserving of it. Dapat lang talaga. It’s a very big loss to the industry and it will never be the same.”
- Latest