Kim, nag-ala Sahara Desert Princess!

Bongga si Kim Chiu na mukhang na-enjoy ang kanyang social media detox noong Holy Week.
Nagpasalamat siya sa mga bumati at nakaalala sa kanya sa birthday niya.
Nakabalik na nga raw siya mula sa social media detox niya noong nakaraang mga araw.
Ang ganda ng mga photo na in-upload niya sa kanyang birthday photoshoot sa Dubai.
Wala nga raw sana siyang plano kahit shoot para sa birthday niya, at gusto lamang niyang mag-chill sa bahay pero pinilit siya ng Ate Kam niya.
Ito raw ang nagplano ng lahat at kinailangan lamang daw niyang gumising nang maaga at ayun nga ay nag-shoot sila sa gitna ng disyerto.
Kinailangan nilang umalis ng 4 a.m. para maabutan ang sunrise bago lumipad pauwi ng ‘Pinas ng parehong araw.
Kahit nga siya ang napa-OMG sa photos niya na ang gaganda kaya laking pasasalamat niya sa pagpupumilit ng Ate Kam niya.
Pati nga raw ang photoshoot at outfit niya kasama ang camel ay hindi planado.
Nakita lamang daw niya ang outfit sa mannequin habang nag-iikot siya sa isang souvenir store at binili lamang daw niya at nag-ala Sahara Desert princess na siya.
Dami talagang pasabog ni Kim ha.
At bongga rin ang ka-loveteam niyang si Paulo Avelino na nag-post din ng birthday greeting niya kay Kim.
Simpleng “Happy Birthday” lang at naka-tag si Kim kasama ang litrato nito pero nagwala na nga ang fans na kilig na kilig sa ginawa ng actor.
Bongga talaga.
- Latest