^

Pang Movies

Cristine, pinagluluksa ang ama-amahan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cristine, pinagluluksa ang ama-amahan
Cristine Reyes at Demetrio “Daddy Metreng” Pascual
STAR/File

Labis ang pagdadalamahati nga­yon ni Cristine Reyes dahil sa pagpanaw ng kanyang beloved stepfather na si Demetrio “Daddy Metreng” Pascual.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres na sumakabilang-buhay ang kanyang ama-amahan nitong nakaraang April 17, 2025. Kalakip ng kanyang post ang video kung saan ay mapapanood ang pagbisita niya sa may sakit na stepfather kamakailan.

Sa video ay ipinakita ni Cristine ang bahay ng stepfather sa Santolan kung saan din siya lumaki. Kitang-kita nga ang saya sa aktres habang ginugunita ang kanyang childhood days sa naturang tahanan.

Makikita rin sa video ang masaya nilang bonding moments ng kanyang daddy Metreng.

“Itong video na ito ang huling alaala na itatabi ko. Ang ating huling salo-salo sa ating munting tahanan na punong-puno ng masasayang alaala. Ang iyong huling ngiti at halakhak dito ang palagi kong aalalahanin, daddy,” simula ng aktres sa kanyang caption.

“Sorry kung hindi ko na kinaya makita ka sa ospital. Pinagsisisihan ko na hindi kita nahagkan sa iyong huling hininga.

“Luhaan man kami ngayon, alam namin na payapa ka na. Hindi ka namin makakalimutan, daddy. Kulang ang salitang “salamat,” Dy,” aniya.

Pinasalamatan ng aktres ang adoptive father sa pag-aaruga at pamamahal sa kanya.

“Bagkos ako’y lubos at taos-pusong nagpa-pasalamat sa pag-busog mo sa akin, sa amin ng pagmamahal, pag-gabay at pag-aruga. Napaka-swerte namin lahat sa’yo sa lahat ng binigay mo na walang katumbas na halaga. Ikaw ang tunay naming kayamanan,” aniya.

“Rest in peace, Daddy Metreng. Daddy Yow. Lolo Dad. Love and light, always,” ang mensahe ng pamamaalam ni Cristine sa stepfather.

Matatandaang bago yumao ang kanyang Daddy Metreng ay nababanggit-banggit na rin ni Cristine sa kanyang mga post na may sakit ito. Kamakailan nga lang ay naghahanap pa siya ng mauupahang bahay para sa kanyang stepfather.

Sa mga post ni Cristine ay kitang-kita ang labis na pagmamahal niya sa kanyang adoptive father hanggang sa huling sandali.

Alfred, nagbigay-pugay kay Ate Guy

Isa sa mga huling nakatrabaho ni Alfred Vargas ang yumaong Superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor.

Nakasama ni Alfred si Ate Guy sa pelikulang Pieta na ipinalabas noong 2023. Sa nasabing pelikula ay nakamit ng aktor ang kanyang kauna-unahang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) 2024 Best Actor award. Co-stars niya rin dito sina Gina Alajar at Jaclyn Jose.

Sa kanyang Instagram account ay nagbigay-pugay si Alfred kay Ate Guy at inihayag kung gaano siya kasuwerte na nabigyan siya ng pagkakataong makasama ang nag-iisang Superstar sa isang pelikula.

Kalakip ng tribute ni Alfred ay ang movie clip ng isa sa memorable scenes nila ni Ate Guy sa Pieta.

“This scene was taken from one of Ate Guy’s last ever films, PIETA. I played, Isaac, her long “lost” son. When Isaac finally returned home he was greeted by a mother who couldn’t remember anything anymore. Instead of surprising his mother, he ended up the one being surprised… for the wrong reasons. Pieta is a story about love, family, truth, mistakes and forgiveness,” simula ng aktor.

Labis ang pasasalamat ni Alfred kay Ate Guy na nakatrabaho niya ito at sa mga naituro sa kanya sa sandaling panahong nakasama niya ito.

Ibinahagi rin ni Alfred ang pinamalaking lesson na naituro sa kanya ng Superstar.

“The most important lesson I learned from you is that: TRUE STARS SHINE BECAUSE OF THEIR HUMILITY AND GENEROSITY IN EVERYTHING THEY DO AND WHOEVER THEY MEET. Sayo ko naramdaman ito nang sobra, Ate Guy,” saad ni Alfred.

CRISTINE REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with