^

Pang Movies

Superstar, sa mga singing contest sa radyo nag-umpisa

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Superstar, sa mga singing contest sa radyo nag-umpisa
Nora Aunor
STAR/File

Outpouring ang naging suporta at pagmamahal na ipinakita ng sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng nag-iisang superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (Nora Cabaltera Villamayor in real life) na sumakabilang-buhay nung Abril 16, 2025 sa edad na 71 due to acute respiratory failure.

Iniwan ni Guy ang kanyang mga anak na sina Lotlot de Leon, Ian de Leon, Matet de Leon, Kiko, Kenneth at mga apo at ang kanyang libu-libong loyal fans and supporters hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Matinding kawalan sa industriya ng musika, telebisyon at pelikula ang pagpanaw ni Guy in her almost six decades dahil sa kanyang hindi matatawaran at hindi malilimutang naiambag nung siya’y nabubuhay pa na mahirap mabura at mapantayan ninuman.

Nag-iisa lamang talaga si Nora Aunor na nagsimula sa isang payak na buhay bilang isang batang babae na nagtitinda ng tubig at mani sa gilid ng Bicol Express Train Station sa kanyang hometown sa Iriga, Camarines Sur. Little did she know na nakatakda pala siyang maging isang phenomenal star, singer, actress at superstar balang araw.

Ang kanyang tiyahing si Mamay Belen ang nagturo at nag-train sa kanya bilang singer at nagtiyagang samahan at isali siya sa iba’t ibang amateur singing contest using her screen name na Nora Aunor.

Bukod sa mga local amateur singing contest, sumali rin si Nora sa Darigold Jamboree, isang radio singing contest, maging sa The Liberty Big Show na isa ring radio singing contest hanggang sumali na siya sa national amateur singing contest, ang Tawag ng Tanghalan ng ABS-CBN kung saan siya tinanghal na national champion nung May 9,1967.

Nang maging kampeon si Guy (palayaw ni Nora) ng Tawag ng Tanghalan, dito nagsimulang magbago ang takbo ng kanyang buhay. Unti-unting nakilala si Nora Aunor na ang first live guesting ay ang sold-out concert ng popular American singer na ni Timy Yuro sa Araneta Coliseum.

Ang first TV apperances niya ay nangyari sa magkahiwalay na TV shows nina Pilita Corrales at Carmen Soriano, ang An Evening with Pilita at Carmen on Camera at kasunod na rito ang pag-sign up sa kanya ng 8-picture non-exclusive contract with Sampaguita Pictures giving her minor and supporting roles bago siya nagbigyan ng major roles.

Ang Tower Productions ni Direk Artemio Marquez ang nagbigay ng first lead role kay Nora sa pamamagitan ng 9 Teener na pinagtambalan nila ni Tirso Cruz III na sinundan ng Young Girl na pinamahalaan ng yumaong si Mitos Villarreal.

Dahil sa mga teen-oriented films noon nina Nora at Tirso Cruz III, nabuo ang Guy and Pip loveteam, na siyang palayaw nila, ang loveteam ng dalawa ay maituturing na iconic loveteam na wala pang nakakatalo up to this day.

Maging ang regalong manyika ni Pip kay Guy na pinangalanang Maria Leonora Theresa ay naging popular.

Hindi man nila inamin noon sa publiko, si Pip ang naging unang boyfriend ni Guy but they ended up marrying other partners in real life.

Samantala, ang Superstar na si Nora ay nakatakdang ilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio in Taguig City bukas, araw ng Martes, April 22, 2025.

Ang aming pagpupugay sa nag-iisang superstar na si Nora Aunor mula sa amin dito sa Pang Masa.

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with