John Rendez, ‘di pa tanggap na wala na si Nora Aunor

Fans ng Superstar hinarap
Parang hindi totoo itong mga nangyayari kay John Rendez nang makapanayam siya ng ka-PEP Troika kong si Jerry Olea sa pangatlong araw ng burol ni Nora Aunor sa Heritage Memorial Park.
“Parang hindi totoo, ganun din ako siguro. Hindi ko pa... pero we have to face the reality na she’s not here with us anymore,” malungkot na pahayag ni John Rendez.
Hinarap ng singer/rapper ang fans na nagtiyagang pumila sa initan para masilayan lang si Ate Guy.
Alam ni John na ang fans ang pinakamahalaga sa premyadong aktres.
“Ate Guy, number one sa kanya ang mga fans niya. Going out of her way pa nga siya para ma-accommodate ‘yung mga fans niya.
“So I think she would be happy even in her passing away that hindi natin pwedeng pabayaan ‘yung mga fans niya.
“So ako napapasalamat ako na ‘yung pagmamahal nila kay Ate Guy at ‘yung support na nila kay Ate Guy, sa aming dalawa, ang ganda ‘yun, na mararamdaman mo, makikita mo talaga,” saad ni John.
“Alam mo, lahat tayo, mahal natin si Ate Guy! We all love Ate Guy. No one can say, ‘I love Ate Guy more,’ or ‘Ate Guy loves me more.’
“Lahat ‘yan, mahal niya. At lahat tayo, nagmamahal sa kanya. Pero in our own way, we show our appreciation, pwede nating sabihin our devotion to the person through our interactions with each other.
“Kumbaga, paano natin ipapakita sa kanya na mahal natin siya kung ‘yung mga tao sa paligid niya, mga suplado, ‘di ba?
“Hindi naman tayo suplado. Depende naman sa kausap. Pero pagdating sa fans, Ate Guy always makes her fans a priority.
“So, the only way we can do to honor her memory is to show kindness and show importance to the people that for her are number one,” dagdag niyang pahayag.
Kaya nararapat lang daw na bigyan ng pagpapahalaga at pagpupugay si Nora dahil nakikita naman daw kung paano niya mahalin ang kanyang fans, ang sambayanang Pilipino.
“So the things that remind us of her, well, we have to… kailangang bigyan natin ng importance or how to say it, cherish.
“Cherish, cherish those sabihin natin moments. Cherish those memories.
“And she’ll always be alive in our hearts. She’ll always be alive in our minds.
“She’ll always be a part of ano, this culture, this country, or I say, this industry.
“And her legacy will continue on even though she’s not here anymore.
“So we can honor her legacy by remembering all the good works that she did. Not for the industry also, but for the fans,” sabi pa ni John Rendez.
Hindi pa matanong si John tungkol sa pakikitungo niya sa mga anak ni Nora.
Pagdating sa mga personal na isyu at naging emotional na siya. Kaya iniiwasan na muna niyang sagutin ang mga ganung tanong.
Alang-alang sa kapayapaan ni Ate Guy, iniiwasan na ni John ang mga ganung intriga. Ayaw niyang mag-comment pagdating sa mga anak ng matalik niyang kaibigan.
- Latest