AC, ‘di kinarir ang death threat ng bashers!

Tila hindi na sineseryoso ni AC Bonifacio ang mga basher matapos niyang lumabas ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kahit sumosobra na ang mga ito sa kanilang pamba-bash.
Ipinost ng dancer ang mensahe ng basher kung saan sinabi nitong “Ac plastic lumayas kana sa pbb tsaka sa mundo para mabawasan mga taong katulad mo. Problematic!!!” na pinadala noon bago pa man sila ma-evict ni Ashley Ortega sa Bahay ni Kuya.
Pero hindi pa iyon nakuntento dahil kahit na-evict na si AC ay nag-reply pa ito sa Instagram Story nito at sinabing “mamatay kana ac sana masagasaan ka ng truck” at tinakpan nito ang isang salita na tila naglalaman ng mura.
Mukhang hindi na nagpapaapekto si AC sa bashers at sinagot niya ito ng “wait lang, Ate. May mga pangarap pa po ako. darating din tayo diyan pero baka matagal pa. iiwas nalang ako sa truck.”
Maaalalang naging nega siya dahil sa mga naging pahayag niya sa loob ng Bahay ni Kuya kung saan tinawag siyang “backstabber” ng mga basher.
Hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang sinabi ng basher at sinabing sumobra na raw iyon sa mga naging pahayag.
Hindi raw sapat na dahilan iyon para humiling iyon ng masama laban kay AC.
Pero hindi napanindigan ng basher ang pagbabanta dahil nagpalit diumano ito ng username matapos i-post ni AC ang mensahe niya.
- Latest