^

Pang Movies

Nakalatag na ang necrological services sa MET at state funeral!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nakalatag na ang necrological services sa MET at state funeral!

Fans ni Ate Guy, buhos sa kanyang lamay!

Habang ang marami ay nagtitika at nagbabalik-loob sa Diyos noong Huwebes Santo at Biyernes Santo, nagluluksa naman ang buong showbiz industry, sa loob at labas ng bansa, sa pagpanaw ng nag-iisang Superstar at National Artist Nora Aunor, Nora Cabaltera Villamayor sa totoong buhay, na pumanaw noong Miyerkules ng gabi, bandang alas-10:00 ng gabi.

Pumanaw si Ate Guy (popular na tawag sa kanya) matapos ang isang medical procedure ayon sa kanyang anak na si Ian De Leon.

Sa interview ng media sa Heritage Park sa Taguig, nilinaw ni Ian na hindi nung oras na sumasailalim ito sa operasyon namatay.

Pero hindi na si Ian nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa karamdaman ng kanyang ina pero binanggit niya sa interview ng 24 Oras na “technically and clinically speaking, the cause of death was acute respiratory failure” (ayon sa medicalnewstoday.com, ang “Acute respiratory failure usually stems from difficulty getting enough oxygen to the lungs, problems removing CO2 from the lungs, or both. This can be due to tissue damage, fluid buildup, muscular spasms, or other physical processes. Potential causes include : chronic obstructive pulmonary disease.”)

Dahil sa pagiging National Artist, isang necrological services (9:00 a.m., Metropolitan Theater) at state funeral ang magaganap sa Martes (araw ng libing) pero wala pa silang detalye tungkol sa iba pang tributes na plano ng gobyerno para sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts.

Nauna na siyang binigyan ng military salute ng isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines noong Huwebes.

Isa pang naalala ng lahat sa pagpanaw ni Ate Guy ay si Janine Gutierrez.

Buti na lang at laging nasa tabi niya si Jericho Rosales.

Four days apart lang ang pagitan ng pagkamatay ng dalawang lola ni Janine – Pilita Corrales, noong April 12, at ang kanyang lola Nora noong April 16, kaya pakiramdam nila ay ‘di pa nakaka-reco­ver si Janine sa pagluluksa sa ina ng kanyang daddy na si Ramon Christopher.

Sa kanyang post para sa kanyang Lola Nora sinabi niyang : “With sorrowful hearts, we share the passing of our grandmother, Mama Guy. A treasure to our family but truly always more the people’s than ours. She had a life of giving her immeasurable love to everyone she touched whether on screen, through music, or in person. 
“We are deeply grateful for the outpouring of love and support. Please keep our family in your prayers, especially Mama, Uncle Ian, Ate Matet, Kuya Kiko, and Ken, as we say goodbye.

“We find comfort in knowing she, the one and only Superstar, will be forever loved.”

Kaya naman dagsa ang mga nakiramay at nagbibigay ng encouraging messages kay Janine.

Magbilas ang dalawang icon na magkasunod na pumanaw – Asia’s Queen of Song at Superstar National Artist Ate Guy.

Pareho ring makulay ang kanilang career at personal na buhay.

At ang daming magagandang alaala sa kanila.

Habang sinusulat namin ito ay dagsa ang Noranians na Heritage pero hanggang 4:00 p.m lang ang public viewing.

Kabilang naman sa unang dumalaw sa Heritage noong Huwebes kung saan siya pinaglalamayan ay si Star For All Seasons Vilma Santos na matinding karibal niya noong kainitan ng kanilang career.

AC, may hangover pa kay Kuya

Bago nag-Holy week, isa sa mga featured Star Magic artist si AC Bonifacio sa Star Magic Spotlight press conference kung saan ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa loob ng bahay ni Kuya at ang ilang mga exciting na upcoming projects.

Si AC, na unang nakilala bilang isang dance prodigy, versatile actress, at recent housemate sa PBB Celebrity Collab Edition, ay nagbahagi ng kanyang karanasan: “In that house, we were able to really form a genuine new bond, and if we had any issues, kino-confront po talaga namin, and we would fix it right on the day, right on the spot, para the next day—new day, restart for us housemates. So, regrets, wala po. I made good, good, good connections that I will bring out here to the outside world,” pagbabahagi niya na that time ay aminado siyang may hangover pa sa mga ginawa niya sa loob ng PBB.

Ibinahagi rin niya ang mga naging reflection niya matapos PBB: “Now, you guys know me as a human being na nagkakamali rin. Na I’m not perfect. Na may mga times na I accidentally say things that I have no intention of it being a bad way. But know that I am trying to be better, and I’m really taking in all your concerns and comments,” dagdag sa ilang bagay na ginawa niya na hindi niya inasahang magkakaroon ng ibang interpretation sa paglabas niya ng Bahay ni Kuya.

Bukod sa pagiging dancer at singer, may bagong acting project na aabangan kay AC. Kasama siya sa cast ng The Four Bad Boys and Me, kung saan gagampanan niya ang role bilang si Tiffany na ipapalabas very soon.

“I really want you to see the movie. Super cute. Ang daming nangyayari, super fun lang, and I’m sure you guys will love it. It’s a good cast, a good story, so I’m sure it’s something people will really choose to watch and love,” pahayag ni AC.

Anyway, aminado naman siyang nami-miss niya ang loob ng Bahay ni Kuya...

Si Kuya, kumusta?

“Oh my gosh, I love Kuya! Sobrang, he’s therapy. ‘Yung boses niya, sobrang gwapo po. Sobrang gwapo ng boses talaga ni Kuya. Kaya ‘pag nasa sa confession room kami, kami mga girls, nai-imagine namin kung how does Kuya looks like. Because he’s so, wow, nakaka-inlove po si Kuya. Ganun po.”

Sa pagpapakatotoo ni AC on and off-ca­mera, dumami rin ang mga patuloy na sumusuporta sa kanya at ang mga oportunidad na darating sa kanya. Isang dahilan kung bakit mas hinahangaan siya ng marami.

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with