^

Pang Movies

Nora Aunor, may huling habilin!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nora Aunor, may huling habilin!
Nora Aunor.
STAR/ File

Namatay pagkatapos ng operasyon

 “Anak, pakihalik mo ako sa mga apo ko. Hug mo ‘ko sa kanila. Sabihin mo sa kanila na mahal ma mahal ko sila.” Ito ang huling habilin ng pumanaw na Superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor sa kanyang anak na si Ian de Leon.

Pumanaw ang nag-iisang Superstar nitong nakaraang Miyerkules, April 16, sa edad na 71.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang panayam sa 24 Oras na bago raw isugod sa ospital ang kanyang ina ay nag-usap sila sa chat at ito nga ang huling mensahe nito sa kanya.

“Sabi ko, ‘ma, ‘wag ka naman ganyan magsalita. Mag-a-outing pa tayo, magbe-birthday ka pa, magba-bonding pa tayo.’ ‘Yun na po ang huling chat namin, usap namin, and nasabi ko rin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya kamahal ng mga apo niya, kung gaano siya laging hinahanap gabi-gabi ng mga apo niya, ipinagdadasal niya,” pahayag ni Ian.

Sinabi rin ng aktor na sa hanggang sa huling sandali ay naroroon silang mga mahal sa buhay ni Ate Guy. “Lahat po kami, binantayan namin siya, talagang hindi po namin siya iniwanan sa tabi niya,” saad ni Ian.

Sa naturang panayam ay sinabi rin ng aktor na ang cause of death ng kanyang ina ay acute respiratory failure.

Matatandaang sa press conference last Thursday ay sinabi ni Ian na nagkaroon ng medical procedure si Ate Guy pero hindi ito ang dahilan ng pagpanaw nito.

“She was being operated on, and after that, she had a hard time breathing, and eventually, all things went downhill from there, and that’s why they had to do another procedure after that,” pahayag ni Ian sa presscon.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Ate Guy sa The Heritage Park sa Taguig. Gagawaran siya ng state necrological services at ililibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Martes, April 22.

Direk Joel, naalala ang binigyan ng kalabaw ng superstar

Ibinunyag ni direk Joel Lamangan na may pinaplano siyang biopic para kay Ate Guy.

Sa kanyang Facebook post ay nagbigay-pugay ang batikang direktor sa nag-iisang Superstar na nakatrabaho niya sa anim na pelikula (The Flor Contemplacion Story, Muling Umawit ang Puso, Bakit May Kahapon Pa?, Sidhi, Hustisya and Isa Pang Bahaghari).

Ayon kay direk Joel, bago pumanaw ang Superstar ay pinag-uusapan nila ang paggawa ng bio flick nito.

“Meron kaming pinagusapan sanang importanteng pelikula  na isusulat ng kaibigan naming si Ricky Lee- ang Nora Aunor Story, nakausap namin ang prodyuser naghihintay lamang ng tamang panahon. Sayang wala na si ate Guy pero itutuloy namin yon!” pahayag ni direk Joel.

Ginunita rin ng award-winning director ang kabaitan ni Ate Guy noong nabubuhay pa.

“Mabait si ate Guy sa lahat ng ka trabaho niya. Ayaw niya ng may naaapi, o naaagrabyado lalo na sa mga crew na maliit lang ang bayad. Sa last day ng filming tiyak meron siyang ibibigay na tulong na pera sa lahat,” pag-alala ni direk Joel.

“Tuwang tuwa ang mga mangagawa sa kabutihang loob niya. Ng matapos ang shuting ng Flor Contemplacion sa Sta. Cruz city jail sa Sta. Cruz Laguna, pinapila niya ang mga presong nakasama namin at pinagbibigyan niya ng pera,” kwento pa ng direktor.

Hindi rin makalimutan ni direk Joel nang nagsu-shooting sila ng Sidhi at nakita ni Ate Guy ang magsasaka na malungkot. Nilapitan daw ito ng Superstar at tinanong kung bakit ito malungkot.

Ang sagot daw ng magsasaka ay namatay kasi ang kalabaw niya at wala siyang pambili. Kaagad ay binigyan daw ito ni Ate Guy ng pambili ng bagong kalabaw.

“Maluhaluhang tinangap ng matanda ang pera at nagpasalamat! Ilan lamang yan sa mga kabutihang na saksihan ko, kung gaano kalaki ang puso niya sa mga naghihirap!” saad pa ni direk Joel.

“Paalam ate Guy, mananatili ka sa Aking Ala Ala at sa puso ko! Sa muling pagkikita! MABUHAY KA!!!!” pagtatapos ng direktor.

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with