Ate Guy, pinakamaraming international recognition!
Sa pagpanaw ng nag-iisang Superstar ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Nora Aunor, inalala ng marami ang naging achievements nito bilang aktres at singer.
Si Ate Guy lamang ang natatanging aktres na nakatanggap ng parangal para sa pelikula, telebisyon at entablado. Dahilan ito kung bakit deserved niya ang matawag na isang National Artist.
Si Ate Guy rin ang nakatanggap ng pinakamaraming international recognition mula sa iba’t ibang film festival abroad kaya nararapat lang na matawag siya na isang National Treasure.
Ayon sa IMDB, nakatanggap ng 75 awards for best actress si Ate Guy. Sa local ay ilang beses siyang tumanggap mula sa FAMAS (5), Film Academy of the Philippines (4), Gawad Urian (6), Star Awards for Movies (7), Young Critics Circle (5), at Metro Manila Film Festival (8).
Si Nora rin ang natatanging Filipino actress na nanalo ng international awards mula sa five different continents: 19th Cairo International Film Festival in 1995 (Africa); 1st East Asia Film and Television Award in 1997; Asian Film Awards in 2013 and 3rd Sakhalin International Film Festival (Asia); 31st Festival International du Film Indépendant de Bruxelles in 2004; Premio Della Critica Indipendiente in 2013 and St. Tropez International Film festival in 2015 (Europe); Asia Pacific Screen Award in 2013 (Australia) and the Green Planet Movie Award (North America).
Sa entablado, pinarangalan siya ng Aliw Awards, PETA, at PUP Teatro Batangas para sa stage adaptation ng Minsa’y Isang Gamu-Gamo at DH.
Bilang isang singer naman, tumanggap ng recognition si Ate Guy mula sa Awit Awards, Katha Awards, OPM, Phil. Recording Distribution Association at Star Awards for Music. Ang single niya na Pearly Shells noong 1971 ang isa sa best-selling singles ng bansa na umabot ng 1 million units.
Ang iba pang parangal ay mula sa iba’t ibang academe at government and civic organizations.
Mikee, nag-solo sa nature retreat
Kung last year ay may kasamang magbakasyon si Mikee Quintos sa Holy Week vacation, this year ay solo flight siya dahil sa breakup nila ni Paul Salas noong nakaraang buwan after three years.
Nag-nature retreat sa Indonesia ang isa sa bida mg murder-mystery series ng GMA at Viu na Slay. Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang ilang photos niya sa Bobocabin Pangalengan, in Bandung.
Ayon sa website: “The hotel resort is famous for having pod-style cabins in the middle of a tea plantation surrounded by mountains which has a grand view of the vast field of tea plants, and exploring some of the common areas of the resort.”
Nag-relax at nag-reflect nga raw si Mikee sa naturang lugar. Nagpasalamat din ito sa mga blessing na dumating sa kanya ngayong taon.
Ex-Backstreet boys singer Nick Carter, kinasuhan sa panghahawa ng STDs!
Isa pang babae ang inakusahan si Nick Carter ng panghahalay. Ayon sa report, hinawahan diumano ng dating singer ng Backstreet Boys ng sexually transmitted diseases (STDs) ang babae na nauwi sa cervical cancer.
Pero itinanggi ng kampo ni Carter ang mga paratang.
Batay sa kasong isinampa laban sa kanya na nakuha ng People Magazine, sinabi ni Laura Penly na inabuso umano siya ni Nick noong 2004, at 19-anyos lang siya noon.
Ayon kay Laura, mayroon sila noon na “sexually intimate relationship and [they] would see each other approximately every few weeks.”
Nagkita umano sila mula December 2004 hanggang February 2005, at bumibisita siya sa Los Angeles at apartment ni Nick sa Hollywood.
Patuloy pa ni Laura, consensual o may pahintulot niya ang pagtatalik nila ng tatlong beses. Pero nagbago raw ang lahat nang tumanggi na si Nick na gumamit ng condom kahit pa sinabihan niya.
Nakasaad din sa kasong isinampa niya na hindi siya nakikipagtalik nang walang proteksyon ang kapareha.
Nakasaad din sa reklamo niya na nangyari umano ang pang-aabuso sa kanya sa kama mismo ni Nick. Pinilit umano siya ng singer kahit ilang beses niyang sinabihan ito na ayaw niya. Hindi rin umano gumamit ng condom si Nick nang sandaling iyon.
Bukod kay Laura, inakusahan din si Nick ng pang-aabuso nina Melissa Schuman, Ashley Repp, at Shannon Ruth.
- Latest