^

Pang Movies

Matet, nagpipigil ng iyak sa burol ni Nora

Gorgy Rula - Pang-masa
Matet, nagpipigil ng iyak sa burol ni Nora

Hindi gaanong nagpapa-interview si Matet de Leon sa burol ng ina niyang si Nora Aunor, dahil nagiging emosyonal siya.

Ayaw niya ng madramang mga tanong dahil any moment na bibigay siya at mapapaiyak na lang.

Abala siya sa pag-estima sa mga tao kaya parang hindi pa raw talaga nag-sink in sa kanila na wala na ang kanilang Mommy.

“‘Pag wala na kayong lahat, oo, iba yon — ‘pag wala nang tao rito. Kasi, kami ang nagbabant­ay dito sa gabi. Lahat kami, nandito.

“So ‘pag wala na kayo, wala na kaming kausap, dun na siya,” pakli ni Matet.

Pero itong pagkawala ng kanilang ina ay lalong nagbigkis sa kanilang limang magkakapatid, naging close at kailangan daw nilang kumapit sa isa’t-isa.

“Lalo kasi alam mo, kuya, siyempre ang nagba-bind sa amin, si mommy. ‘Di ba? Nanay siya. Siya ang nanay namin.

“Nanay namin siya. Kahit anong sabihin ng mga tao na kung anu-anong alam mo na.

“Kumbaga ngayon, wala na kaming ibang kakapitan kung hindi kaming lima,” pahayag ni Matet.

“So si mommy kasi, she left us, before, you know — ayaw niyang mag-away kaming magkakapatid.

“Ayaw na ayaw niyang mag-aaway or she wants us to talk about whatever, kung ano mang problema namin sa isa’t isa.

“Ibig sabihin, ang gusto ni mommy, sarado. Kami. Lima. Madiin! Magkakayakap kaming madiin! So mahigpit!” dagdag niyang pahayag.

Ang dalangin na lang ngayon ni Matet ay tahimik at kapayapaan para sa paglalakbay ng kanilang ina sa kabilang buhay. “Kapayapaan. Kapayapaan because honest naman si Mommy sa lahat.

“Her life, medyo naging mahirap ‘yung buhay niya. So ‘yun po, panalangin ko po ‘yung kapayapaan ng kalooban niya.

“I’m sure, masayang-masayang-masaya po si Mommy. Kasi, andun ang lola ko. Andun po ang lolo ko, mga kapatid niya. Andun, so ‘yun po…” sabi pa ni Matet.

Hindi pa alam ni Matet kung kailangang niyang mag-taping bukas. Sa Lunes na raw kasi ang last ta­ping  nila para sa Slay.

Kung kailangan daw siya, wala siyang magagawa kundi magtrabaho.

Ang sipag nga ng aktres, dahil kapag wala siyang taping o shooting, tumatanggap siya ng live selling sa TikTok.

Nagtitinda siya ru’n ng mga pabango at iba pang produkto. “Walang nakakapagod para sa mga anak, ‘di ba? May college na tayo. ‘Yung anak kong isa, scholar naman. So ayos lang, bahala siya sa buhay niya.

“May bunso pa akong nag-aaral,” kuwento pa niya.

MATET

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with