^

Pang Movies

Heart, may bagong ani na award sa pagiging icon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Heart, may bagong ani na award sa pagiging icon
Heart Evangelista

Tuloy ang pag-aani ni Heart Evangelista ng pagkilala bilang style icon dahil nakatakda siyang tumanggap ng Global Fashion Influencer of the Year award sa Dubai before the end of the month.

“See you soon, Dubai,” sabi niya sa Instagram Stories habang ibinahagi ang isang post mula sa EMIGALA Awards, na kumikilala sa mga Arab at international personalities na gumawa ng malaking impact sa fashion world.

Siya ang tinaguriang Queen of Fashion ng bansa dahil sa malaking impluwensiya niya sa local and international brand.

Ang 5th EMIGALA Awards ay gaganapin sa Abril 22 at 23 sa Jumeirah Emirates Towers sa Dubai.

Nauna na palang kinilala ang former Miss Universe Pia Wurtzbach bilang Global Fashion Influencer of the Year, na ngayon ay pa-bangs bangs lang ang pini-flex sa social media pages niya.

April Boy, nabubuhay kay John

Buhay na buhay pa ang alaala ng dekada ‘90, noong naging in demand si April Boy Regino sa noontime variety shows. Bagama’t hindi lahat ay naakit sa kanyang musika, hindi maikakaila na ang kanyang mga kanta ay nakaantig ng milyun-mil­yon na muling nabuhay nang kamakailan ay ipalabas ang kanyang buhay sa pelikula na Idol: The April Boy Regino Story kung saan ang gumaganap bilang April Boy ay ang baguhang aktor na si John Arcenas.

May ilang nababaduyan sa  kanyang musika pero may tama sa puso particular na sa masa ang bawat mensahe ng kanyang inaawit.

Kaya naman ngayon, naalala siya kay John na umamin noong ginagawa nila ang pelikula ay pakiramdam niya ay sinaniban siya ng kaluluwa ni April.

“Nag-shoot po kami sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina po. Sa mismong kuwarto niya po, doon po kami nag-shoot at doon ko po talaga naramdaman ang presence niya,” kuwento ni John noong pino-promote niya ang pelikula.

Hindi madali ang prosesong dinaanan ni John bago nasungkit ang nasabing role.

May ilang round ng audition pero nalampasan daw niya ‘yun.

Ngayon, tumatak na sa kanya ang mga kanta ni April Boy.

In fact, nang maimbitahan siyang mag-perform sa oathtaking ng MB (Mikey Belmonte) Leader’s General Assembly and Oathtaking of MB Fighters na ginanap sa SB Park, Batasan Hills kamakailan, akala ng ibang dumalo ay siya ang anak ng namayapang iconic singer.

Nakuha na niya ang mannerism at power ng boses ni April Boy kaya naman sinabayan siya ng mga dumalo sa nasabing event ni Mikey na ang sayang panoorin.

Pero magaling din naman siyang kumanta ng cover songs. Nag-duet pa nga sila ng popular na kumakandidatong konsehal ng District 2 sa Quezon City at nagpasalamat siya na naimbitahan siyang kumanta.

Anyway, natanong din nga pala siya kung nagdalawang-isip ba siya na isuot ang damit ni April Boy nung ginawa niya ang pelikua? “Sa totoo po nu’ng una, kinakabahan talaga ako.

“Sabi ko, susuotin ko ba talaga ‘yun? Kasi, I mean, respect din kay Sir April Boy, ‘di ba?

“And siyempre, ‘yun nga, kinakabahan talaga ako. Pero ang nagsabi naman po, ‘yung asawa niya po,” pagkukuwento pa ni John.

Aminado rin siyang hindi siya makapaniwala nung napili siyang bida sa biopic ni April Boy Regino? “Hindi ako makapaniwala. Kasi siyempre, ‘di ba, para mabigyan ka po ng responsibility na ganu’n, ng role na April Boy Regino.

“Hindi po talaga ako makapaniwala, and sobrang blessed ko. Nag-pray agad ako. Sabi ko, ‘Lord, pagbubutihin ko ito. Kayo na po ‘yung bahala,’” dugtong ni John.

Nagbunga naman dahil napuri siya at ngayon umaasa siyang masusundan pa ito ng mas maraming trabaho lalo na ibinigay niya naman aniya ang lahat-lahat sa pelikulang ito.

Mga sinehan, magiging abala sa Sabado De Gloria

Ahh, andami palang pelikulang palabas sa Sabado De Gloria na lima ang nabigyan ng PG (Parental Guidance) rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, “Pinapayagan ang mga batang edad 12 at pababa na makapanood ng mga pelikulang PG basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.”

Ang mga pelikulang may PG rating ay ang mga sumusunod :

The King of Kings, isang animated Christian film batay sa pambatang libro na The Life of our Lord; Sneaks na tungkol sa pakikipagsapalaran ni Ty, isang sapatos na hindi alam ang buhay sa labas ng kanyang magarang kahon; Colorful Stage! The Movie: A Miku Who Can’t Sing, isang animated musical drama batay sa larong Hatsume Miku: Colorful Stage; Zerobaseone: The First Tour (Timeless World) isang K-pop concert film mula sa unang world tour ng grupong Zerobaseone; at Fatherland na tungkol sa binatang mula Amerika na bumiyahe pauwi ng Pilipinas para hanapin ang kanyang nawawalang ama.

Samantala, ang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na pinagbibidahan nina Pambansang Ginoo David Licauco at Sanya Lopez ay rated R-13, angkop para sa edad 13 pataas.

Ito ay tungkol sa isang pari sa parokya ng Sto. Cristo at sa mga naging karanasan nito sa isang lugar na kung tawagin ay “Kalye Makasalanan.”

R-16, o para sa edad 16 pataas, ang mga pelikulang Sinner at Warfare dahil sa tema, lenggwahe at karahasan na ‘di angkop sa mga batang manonood.

Hinihikayat ng Board ang publiko na patuloy nitong suportahan ang mga pelikulang nabigyan ng angkop na klasipikasyon.

Samantala, nagsagawa ng on-the-spot inspection at information drive nitong Abril 14-15 ang MTRCB sa mga bus terminal sa Metro Manila upang matiyak na tumatalima ang mga ito sa angkop na klasipikasyon ng mga palabas habang nasa biyahe.

Ininspeksyon ng Board ang mga terminal sa EDSA-Araneta-Cubao Station sa Quezon City, Buendia, Manila, at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa lungsod ng Parañaque.

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with