Charo, tinawag na walang puso ni Jim!

May bagong throwback si Charo Santos Concio sa kanyang story time sa Instagram. This time, inalala niya ang panahong sinabihan siya na walang puso ni APO Hiking Society member Jim Paredes.
Simulang kwento ni Ma’am Charo, back in the ‘90s ay nagkaroon ng show sina Jim Paredes at Gel Santos Relos sa ABS-CBN.
“It was in 1995, a lot of you weren’t born yet, but there was a program called Tatak Pilipino, and it was hosted by Jim Paredes and Gel Santos-Relos.”
Patuloy niya, “maganda ‘yung programa, award-winning. It ran on for a year. Then after a year, medyo bumaba yung ratings, and then the advertisers started to disappear.”
Kaya raw nagdesisyon na ang management na ikansela ang programa at siya ang nag-inform ng malungkot na balita sa dalawang hosts.
“Ako po ‘yung naatasan as programming director to talk to the hosts and say na kailangan nang tapusin ‘yung programa. I met with Jim and Gel at sinabi ko ‘yung reasons behind it, tinanggap naman nila. So, I thought everything went well,” aniya.
Pero isang araw daw ay nagulat na lang daw siya nang sabihan siya ni Jim na ‘heartless’ siya.
“One day, we were having a team building naman with APO Hiking Society when Jim suddenly blurted out, ‘You know, Charo, you’re so heartless.’
“Nabigla ako. Parang ‘Ha? Why? I mean, why are you saying that? Ano’ng nagawa ko?’ Sabi niya, ‘you couldn’t even wait, you know, I mean when you canceled Tatak Pilipino, it was my birthday,’” pagre-recall pa ng premyadong aktres at ABS-CBN bossing.
“Oh my God, natunaw ako sa hiya. I said sorry many times,” sambit ni Charo.
Ang pangyayaring ito ay nagturo raw sa kanya ng malaking leksyon.
“This taught me a huge lesson. I realized that actors, talents are not just a cog in the showbiz machine. They are persons who get hurt,” aniya.
Kaya since then ay inilista na nila ang lahat ng birthdays ng ABS-CBN talents.
“Itinuro ko po ‘yon sa lahat ng mga minentors ko afterwards. I took note of all the birthdays of all our talents and from then on, we never canceled a program on any of their birthdays,” sabi ni Charo.
Kasunod nito ay nagpasalamat siya kay Jim for teaching her a lesson.
“Jim, if you’re watching now, thank you very much for teaching me a huge lesson in humility,” mensahe ng premyadong aktres kay Jim.
Anyway, marami ang naaaliw sa pa-story time ni Charo sa IG kung saan ay ginugunita nga niya ang kanyang unforgettable experiences.
David, na-barangay ang kapilyuhan!
May pa-throwback din si David Licauco sa kanyang panayam naman sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Alam n’yo bang na-barangay pala siya noong kabataan niya dahil sa kapilyuhan?
Kwento niya, “Na-barangay po ako dati, when I was 14 years old. Alam niyo po ‘yung ding-dong-ditch? Magdi-ding-dong (doorbell) ka sa isang bahay, tapos tatakbo ka.”
For three days daw ay nag-doorbell sila ng kanyang mga kaibigan sa isang bahay at sa pang-apat na araw ay hinihintay na pala sila ng barangay officials.
“Kasama ko ‘yung mga barkada ko, sa isang bahay lang po kami nag-doorbell for three days. And then, on the fourth day, nakaabang na ‘yung mga barangay sa village,” kwento ng aktor.
Wala naman daw matinding parusa na ibinigay sa kanya pero nadala na raw siya since then. Kaya pinayuhan din niya ang mga kabataan na huwag siyang gayahin.
“Nahuli po kami ng barangay. That was so bad, ‘wag niyong gagawin ‘yun.
“I’m really sorry, I know that was wrong, now that I’m older. I’m really, really sorry,” sey ng Pambansang Ginoo.
- Latest