David, may trauma pa nang mahati ang kotse sa SLEX

Naikuwento ni David Licauco ang kanya near-death experience noong 2013.
Kasama ang kanyang kaibigan, pauwi na raw sila from Tagaytay nang mabangga sila sa isang gas truck sa SLEX.
Kuwento ng bida ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan: “Kumalahati ‘yung kotse. Nasa harapan po ako. I had a seatbelt injury. I couldn’t breathe. I remember my friend getting my phone pa eh, for me to be able to call my mom.”
Two weeks na bedridden si David dahil sa aksidente, pero ang kanyang friend ay na-comatose hanggang sa pumanaw ito. Malaking trauma nga raw sa actor at sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari. Iniwasan din daw niya ang dumaan sa SLEX para makaiwas sa trauma.
Pinasalamatan daw niya na naka-seatbelt siya nung maaksidente sila. Naalala niya na ‘yung parking boy ang nagsabi sa kanya na mag-seatbelt. Ito raw ‘yung anghel na nagligtas sa kanya.
“Kapag bata ka po, ayaw n’yo mag-seatbelt kasi parang hassle eh. And then, may parking boy. For some reason, nandun siya sa side ko. And then, sabi niya sa akin, ‘Sir, seatbelt po ah. Ingat lang po kayo.’ That stuck in me.”
Mas napahalagahan daw ng aktor ang buhay after the accident.
“It’s just a matter of valuing your friends and family, your loved ones because you never know. Baka tomorrow may mawala po. I think it’s always nice to let your friends and family know that you love them and you care for them.”
Chariz, aktibo sa mga exhibit
Bukod kay Paulo Avelino, si Chariz Solomon na lang ang active sa mga babaeng contestant ng StarStruck 4 noong 2006.
Kahit na ‘yung apat na nanalo sa StarStruck 4 na sina Aljur Abrenica (Ultimate Hunk), Jewel Mische (Ultimate Sweetheart) at sina Kris Bernal at Mart Escudero (Ultimate Loveteam) ay hindi na rin mga aktibo.
“Ang sarap lang balikan ang lahat. Imagine, 19 years ago na pala iyon. Kaya ako biglang napasali ng StarStruck noon ay dahil hindi ako na-enroll ng nanay ko. Wala talaga akong balak sumali. Ayaw ko nang ganun. Pero si Lord, may ibang plan para sa ‘yo. And it’s always greater. May direction siya para sa ‘yo,” sey ni Chariz na twice na-eliminate sa kanilang batch.
Pero siya ang naging suki sa mga teleserye at pelikula. Naging mentor niya si Michael V. kaya naging regular siya sa Bubble Gang at Pepito Manaloto.
Ngayon ay pinasok na niya ang paggawa ng sculptured art. Nagsimula raw ito noong magkaroon ng pandemic at natulungan siya ng comedian na si Jun Sabayton na co-star niya sa Samahan Ng Mga Makasalanan.
“Kasi nung pandemic, I started doing sculptured art. So, it’s full-time media art. Tapos si Kuya Jun, sinali nga ako sa art exhibit. ‘Yung work ko sa art exhibit is called May Dusa.”
Nakasama si Chariz sa Kontra Bida exhibit in Faculty Projects sa Kapitolyo, Pasig City. Featured din sa exhibit ang mga gawa nila Bijan Gorospe, Jeje Santos, Lourd De Veyra, and Ryan Sandagon. Tatakbo ito until May 3.
Met Gala, black style ngayong taon
Ni-reveal ni Vogue Editor-in-Chief Anna Wintour ang theme of this year’s Met Gala na Superfine: Tailoring Black Style.
Ang co-chair ni Wintour this year ay sina Colman Domingo, Lewis Hamilton, A$AP Rocky and Pharrell Williams. Si LeBron James ang napiling honorary chair.
Ang host committee ay binubuo nina André 3000, Chimamanda Ngozi Adichie, Jordan Casteel, Dapper Dan, rapper Doechii, The Bear’s Ayo Edebiri, former editor-in-chief of British Vogue Edward Enninful, and playwrights Jeremy O. Harris and Branden Jacobs-Jenkins.
Ginaganap ang Met Gala on May 5 sa Metropolitan Museum of Art, Costume Institute.
Isa ito sa star-studded event in New York na “invitation-only” sa A-list celebrities with a $75,000 price per seat. Para ito sa annual funding, department exhibitions, acquisitions, and capital improvements ng Met Costume Institute.
- Latest