^

Pang Movies

Uyyy.... Barbie, malapit na sa pamilya ni David?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Uyyy.... Barbie, malapit na sa pamilya ni David?!
Barbie Forteza

Saktong-sakto ngayong Mahal Na Araw ang pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan na pinagbibidahan ni David Licauco.

Lumabas nga sa kanyang comfort zone ang Kapuso actor na unang na­kilala sa heartthrob roles sa mga programang Pulang Araw, Maria Clara at Ibarra, at Maging Sino Ka Man, sa satirical comedy ng GMA Pictures at ni former governor Chavit Singson.

Ginagampanan niya ang papel na Deacon Sam, isang debotong pari na walang karanasan na nakatalaga sa Sto. Kristo — isang bayan na puno ng kasalanan kung kaya’t itinataboy nito kahit ang mga pinakabatikang clergymen.

Determinado sa pagbabago, si Deacon Sam ay lumikha ng isang grupo sa simbahan na tinatawag na Samahan ng mga Makasalanan, na naglalayong gabayan ang mga hindi karapat-dapat sa bayan — mula sa mga magnanakaw hanggang sa mga tsismoso — patungo sa landas ng pagtubos.

At aminado ang aktor na mahirap para sa kanya ang comedy lalo na sa pagiging pari.

Bukod sa kuwento, mapapanood din sa pelikula ang Vigan na isang perfect setting kasama ang iconic na Calle Crisologo na naging isang fictional red-light district.

Mismong si former Gov. Chavit diumano ang nag-identify ng mga kailangan nilang location kaya nagpapasalamat si Direk Benedict Mique.

May cameo role rin sa pelikula na palabas na sa Black Saturday, April 19, ang co-producer ng pelikula na si Manong Chavit.

Anyway, sa ginanap na premiere night ng pelikula, present si Barbie Forteza kung saan marami pang naka-witness na iba na ang closeness ng actress pati sa mga kapatid ni David.

Habang nasa hitsura raw talaga ni David na inspired ito that night sa suporta ni Barbie.

Kaya tuloy, maraming napaisip na baka nga may mutual understanding na sila.

Tho hindi nga kasama si Barbie sa pelikula rumampa naman siya sa red carpet at nanood ng buong pelikula sa tabi ni David at panay ang palakpak sa mga eksenang nakakatawa ng ka-loveteam.

Lumutang sa kalawakan...Katy Perry, ligtas na nakabalik sa Earth

Ligtas at maayos na nakabalik sa Earth ang pop supLigtas at maayos na nakabalik sa Earth ang pop superstar na si Katy Perry kasama ang limang iba pang kababaihan matapos makarating sa kalawakan sakay ng Blue Origin rocket ni Jeff Bezos.

Kasama nga siya sa gumawa ng kasaysayan sa paglipad sa kalawakan na umano’y tumagal ng humigit-kumulang 11 minuto sakay ang anim na kilalang kababaihan kung saan narating nila ang 100km (62 miles) sa itaas ng Earth at tumawid sa sinasabing boundary ng kalawakan at mundo.

Makikita sa video kung paano nila nakita ang buwan at kung anong ginawa nila nung nawalan sila ng timbang at lumulutang na lang.

At nakakanta pa si Katy Perry ng What a Wonderful World ni Louis Armstrong.

Kasama nga sa anim na crew ang fiancée Blue Origin Rockets na sina Lauren Sanchez, CBS host Gayle King, dating NASA rocket scientist Aisha Bowe, scientist Amanda Nguyen at film producer na si Kerianne Flynn. Si Gayle King ay bestfriend ni Oprah Winfrey.

“I feel super connected to love,” sabi ni Katy Perry pagkabalik sa Earth na humalik sa lupa paglabas ng capsule.

Ayon pa sa report ng Reuters, bukod kay Oprah Winfrey na lumuluha, dumalo rin sa launch pad sina Kris Jenner at Khloe Kardashian.

Ito rin pala ang unang all-female spaceflight mula noong ang Soviet cosmonaut na si Valentina Tereshkova – ang unang babae sa kalawakan – na umikot ng halos tatlong araw na solo flight noong 1963.

Hindi ibinunyag ng Blue Origin ang average na halaga ng isang upuan sa isa sa mga rocket nito na ipinakita pa ni Katy Perry ang hitsura ng bawat upuan.

Makikita rin ang hawak niyang daisy na pangalan din ng anak niyang four-year-old.

Sa website nito, sinabi ng kumpanya na ang mga gustong pasahero ay kailangang magbayad ng $150,000 na isang refundable deposit upang simulan ang “process of order.”

Noong 2021, inihayag ng kumpanya na ang pinakamataas na bid para sa isang upuan sa New Shepard spacecraft nito ay $28 milyon. Sa parehong taon, ang aktor ng Star Trek na si William Shatner ay lumipad nang walang bayad bilang guest ng Blue Origin.

Noong 2018, iniulat din ng Reuters na pinaplano ng kumpanya na singilin ang mga pasahero ng hindi bababa sa $200,000 para sa biyahe.

Ayon sa social media pages ng Blue Origin, “Book your flight on New Shepard at the link in bio.”

So sino kaya ang Pinoy na maglalakas-loob na bumiyahe sa kalawakan para may pang-content?

BARBIE FORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with