^

Pang Movies

KimPau, hiwalay sa Semana Santa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
KimPau, hiwalay sa Semana Santa
Kim Chiu at Paulo Avelino

Sa fans na nagtatanong kung ano ang plano nina Kim Chiu at Paulo Avelino ngayong Semana Santa, mukhang kanya-kanya muna sila kasama ang kani-kanilang pamilya.

Ayon kay Kim, magpupunta lang daw siya sa church para magpasalamat ngayong Holy Week.

“Magpunta sa church and give thanks and sacrifice something kasi si Lord, nag-sacrifice naman siya nang malala para sa buhay natin,” sey ni Chinita Princess sa recent interview nila ni Paulo.

Sey naman ni Paulo, kapag Holy Week ay hindi raw siya nakikisabay sa mga taong nagbabakasyon sa iba’t ibang lugar.

“Madalas, mag-isa lang ako sa bahay, nagse-self reflect lang ako, ina-assess ko rin ‘yung mga pagkakamaling nagawa ko or kung paano ko pa mai-improve ‘yung mga parts ng perso­nality ko na tingin ko, hindi maganda ‘yung epekto sa ibang tao,” saad ni Paulo.

Timing naman na katatapos lang ng KimPau sa sagad-sagarang trabaho para sa promo ng kanilang pelikulang My Love Will Make You Disappear kaya deserve na deserve nila ang much-needed break ngayong Mahal na Araw.

Sam, gagawing makaluma ang kasal nila ni Rhian!

Marami na nga ang nag-aabang ng marriage proposal ni Sam Verzosa sa girlfriend na si Rhian Ramos pero ayon sa negosyante at tumatakbong mayor ng Maynila ngayong 2025 elections, hindi raw niya gagamitin ang proposal or kasal para sa kanyang kandidatura.

“Hinding-hindi ko po gagamitin ang pagpo-propose, ang pagpapakasal, para lang sumikat ngayong eleksyon. Kung mangyayari ‘yan, pagkatapos po ng eleksyon na ‘to,” say ni Sam sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Wilson Flores last Monday.

“Ayoko pong gamitin si Rhian bilang artista, ‘yung kanyang kasikatan, dito sa laban na ‘to as much as possible. Kung mangyayari man po ‘yan, pagkatapos na po ng eleksyon,” dagdag pa niya.

Pero aminado naman siyang napag-usapan na rin nila ni Rhian ang kanilang kasal na posibleng ganapin daw sa Quiapo Church.

“Kasi, wala pa yatang recently in the past 10 years or 20 years na ikinasal do’n na malakihan. Sabi ko nga, pagagandahin ko ‘yung Plaza Miranda, eh. Gagawin ko talagang tourist spot, eh,” aniya.

May konsepto na nga raw siyang naiisip for the wedding.

“Gagawin kong ‘yung makaluma na wedding. Kasi ‘yung iba, pumupunta sa Europe, nagsusuot kung ano ‘yung tradisyon na mga suot ng European countries, eh pwede namang gawin dito sa sariling bansa.

“Kaganda-ganda nu’ng Plaza Miranda. Lahat ng mga vendors do’n, do’n kami oorder ng mga pagkain. Dadamitan ko sila ng mga tradisyon na mga Filipino outfits,” sabi ni Sam.

Aniya pa, 16 years na raw siyang deboto ng Poong Nazareno kaya naman magiging sobrang happy niya kung sa Quiapo Church sila ikakasal.

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with