Pilita, apat lang ang naging lalaki sa buhay

Alam mo, Salve A., nanghihinayang kami na hindi na natuloy ang aming planong interview sa mag-inang Pilita Corrales, Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher dahil na rin sa respective schedules ng tatlo na mahirap pagsama-samahin.
Gayunpaman, we’re glad na nagkaroon kami ng pagkakataon na makapayam sina Pilita at Jackie sa magkahiwalay na pagkakataon.
We’ve always enjoyed talking to Pilita dahil bukod sa kanyang pagiging mabait, masayahin, very accommodating at grasyosa, siya ‘yung taong walang filter kapag siya’y tinatanong pagdating sa kanyang personal na buhay. She was so open. Ask her anything at makukuha mo ang kasagutan na gusto mo.
Liban sa naging buhay niya sa Australia kung saan siya unang nakilala at naging star, ang alam ng marami ay na-link lamang siya sa apat na lalake – ang kanyang first husband, ang Spanish businessman at ama ni Jackie Lou Blanco na si Gonzalo Blanco, ang dating matinee idol ng Sampaguita Pictures na si Eddie Gutierrez, na ama ng kanyang pangalawang anak na si Ramon Christopher (Monching Gutierrez), ang folk singer mula sa Paraguay na si Amado Sarabia Morinigo na mas nakilala bilang si Amado del Paraguay na maraming taong naging partner ng Asia’s Queen of Song at ang kanyang present husband (since 2001-2025), ang Paraguayan-Australian na si Carlo Lopez.
Nang magkahiwalay sina Pilita at Amado, bumalik sa Paraguay ang huli at ito’y sumakabilang-buhay nung Nov. 19, 2008 sa edad na 70.
Please watch our old exclusive interview with Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales on TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
Barda, hinihiritan ng bagong pelikula
Handa na nga kayang ligawan ng Tsinitong actor at entrepreneur na si David Licauco ang kanyang ka-loveteam na si Barbie Forteza? O baka naman nag-usap na sila?
Pareho nang single ngayon ang dalawa matapos mahiwalay si Barbie sa kanyang ex-boyfriend of seven years, ang Kapuso actor na si Jak Roberto maging si David sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend.
Although tuloy pa rin ang communication nina Barbie at David, hinahayaan muna ng actor na mag-heal at mag-focus sa kanyang self-growth ang actress.
What’s important ay pareho silang nagfo-focus ngayon sa kanilang respective careers maging sa kanilang mga sarili.
While David admits that he cares for Barbie a lot, marami siyang pinagkakaabalahan ngayon not only for himself kundi sa kanyang career at sa kanyang mga itinatayong negosyo that eat up a lot of his time.
Ang tambalan ng BarDa ay nagsimula nang magsama ang dalawa sa hit TV historical series na Maria Clara at Ibarra na nasundan pa ng dalawang serye, ang TV adaptation ng pelikulang Maging Sino Ka Man at ang Pulang Araw. Nagtambal din ang dalawa sa hit movie na That Kind of Love na ipinalabas nung isang taon.
Humihirit naman ang BarDa fans na sana’y magkaroon ang dalawa ng follow-up movie sa taong ito.
- Latest