Elijah, may naudlot na ginawa sa MMK

Proud ang award-winning young actor na si Elijah Canlas sa kanyang pagganp sa papel ni Sofronio Vasquez, ang 32-year-old grand champion ng The Voice USA: Season 26 sa pagbabalik ng longest-running weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya hosted by award-winning actress-host na si Charo Santos-Concio.
Hindi makakalimutan ni Elijah ang kanyang huling guesting sa MMK dahil hindi umano ito na-air nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020.
Umaasa naman ang mga followers ng MMK na sana’y hindi lamang ito on a limited edition (one season) at sana’y magtuluy-tuloy na ito.
Umabot ng 30 taon ang MMK bago ito nawala sa ere.
Pilita, nakagawa ng 135 albums
Alam mo, Salve A., marami ang nanghihinayang na hindi man lamang nagawaran ang Asia’s Queen of Songs at music icon na si Pilita Corrales ng pagiging National Artist for Music nung ito’y nabubuhay pa. Sobrang deserving ang nanay nina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher sa karangalan dahil sa naiambag nito sa music and entertainment industry ng Pilipinas.
Nung panahon ni Pilita, pawang foreign songs ang namamayagpag sa airwaves at isa siya among the local singers na nagpakilala ng Filipino music na natutugtog din sa radio when she recorded George Canseco’s own composition, ang Kapantay ay Langit maging ang nauna niyang hit song, ang A Million Thanks to You. Pagkatapos nito ay naging sunud-sunod din ang paglabas ng iba pang Filipino recording artists with their own recorded songs.
Si Pilita lamang ang kaisa-isang Filipino artist na nakapag-record ng mahigit 135 albums na ngayon ay kasama na sa classic albums and songs.
Although sa Australia unang sumikat si Pilita, minabuti pa rin nitong bumalik sa Pilipinas upang dito ipagpatuloy ang kanyang singing career.
Si Pilita rin ang kauna-unahang Filipina singer na nakilala sa ibang bansa.
It was the late American singer Sammy Davis na nagdala sa kanya sa Caesar’s Palace in Las Vegas making her the very first Filipina singer na nakapagtanghal sa nasabing hotel.
Bukod kay Sammy Davis, maraming iba pang popular international personalities ang nakatrabaho ni Pilita at kasama na rito ang English-born American actor-comedian at host na si Bob Hope na sobrang bumilib sa Filipina singer-performer.
Si Pilita rin ang kauna-unahang Filipino singer na nanalo sa 1st Tokyo Music Festival in Tokyo, Japan besting other singers from different countries at kasama na rito ang British-Australian singer na si Olivia Newton-John.
Pilita had her musical show on ABS-CBN, ang Your Evening with Pilita nung 1964 hanggang 1972.
- Latest