^

Pang Movies

VG Mark, ginulat ang pamilya ng GF

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
VG Mark, ginulat ang pamilya ng GF
Mark at Aira

Alam mo, Salve A., naniniwala ang bise gober­nador ng Batangas at ngayon ay kandidato bilang kinatawan sa ikatlong distrito ng Batangas na si Mark Leviste na itinadhana na makilala niya ang girlfriend niya ngayon, ang Sparkle artist, triathlete, dating flight attendant at kilalang content creator na si Aira Aquino Lopez.

Alam ng marami na naging on and off ang naging relasyon ni VG Mark sa tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino na ang huling pagkikita ay nung kaarawan mismo ni Kris nung Feb. 14, 2024 na ginanap sa dati nitong rented house in Los Angeles, California, USA kung saan siya (Kris) nananatili sa loob ng mahigit dalawang taon (kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby and her personal entourage) na may kinalaman sa kanyang pagpapagamot sa kanyang multiple autoimmune diseases.

Although pure ang pagmamahal at naging intention ni VG Mark kay Kris, sadya nga yatang hindi sila ukol para sa isa’t isa. The two parted ways after Kris’ birthday at bumalik ang politician ng Pilipinas na wala na umano sila, which Kris confirmed sa kanyang Instagram account.

Dahil abala si VG Mark sa kanyang pagiging isang public servant, dito umano niya ibunuhos ang kanyang attention at hindi nito inaasahan na darating sa kanyang buhay ang isang magandang 27-year-old Kapuso artist.

Pansinin mo, Salve A. ang connection. Naging ex-girlfriend ni VG Mark si Kris Aquino whose family is from Tarlac. Girlfriend naman niya ngayon si Aira na taga-Tarlac din at Aquino ang middle name.

It was one of the cycling events na ginanap in Batangas kung saan kasali si Aira which caught the attention of VG Mark na nagpadala ng message sa Instagram account niya. 

Sa tulong ng kanilang common friends (na magkasintahan), natuloy ang kanilang first double date nung Aug. 6, 2024 na naging daan ng mas malalim na pagkakaibigan nila sa mga sumunod na araw, linggo at buwan hanggang maging sila officially nung Jan. 6, 2025.

Hinding-hindi makakalimutan ni Aira ang first Valentine’s date nila ni VG Mark dahil lumipad silang patungong Hong Kong para lamang doon mag-dinner at bumalik din agad sila kinabukasan.

Ang hindi makakalimutan ni Aira ay nang sadyain ni VG Mark ang kanyang parents in Tarlac na nagkataon pang wala siya dahil meron umano siyang flight noon.

“Na-surprise siyempre ang parents ko sa pagdating sa bahay namin ni VG (tawag niya kay Mark) pero humanga sila na puntahan at harapin sila kahit wala ako,” pagbabahagi ni Aira.

Nagkataon na nasa Tarlac din noon si VG Mark matapos siyang dumalo sa death anniversary celebration ng yumaong ama ni Kris Aquino na si dating Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino.

Nakilala na pareho nina VG Mark at Aira ang kanilang respective families including the politician’s mother na si Ginang Patsie Leviste and his three children (sa kanyang ex-wife na si Ann) na sina Arielle, Ronin at C2.

MARK LEVISTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with